Paslit kinatay, tinapon sa ilog | Bandera

Paslit kinatay, tinapon sa ilog

John Roson |December 15,2017
facebook
share this

Paslit kinatay, tinapon sa ilog

John Roson - December 15, 2017 - 07:15 PM
Natagpuang patay ang batang lalaki sa Pagadian City, Zamboanga del Sur, matapos pagtatagain at itapon sa ilog ng mga di pa kilalang salarin, iniulat ng pulisya Biyernes. Natagpuan ng isang magsasaka ang bata, na pinainiwalaang nasa edad 10 hanggang 12, sa gilId ng ilog sa Purok 4, Brgy. Deborok, dakong alas-6 ng umaga Huwebes, ayon sa ulat ng Zamboanga Peninsula regional police. Walang damit ang katawan, na nabubulok na’t kinakitaan ng mga taga sa likod ng ulo at matinding pinsala sa mukha’t noo, ayon sa ulat. Naniniwala ang mga imbestigador na pinatay sa ibang lugar ang bata, at pagkatapos ay itinapon sa ilog. Inaalam pa ng lokal ng pulisya ang pagkakakilanlan ng bata, pati ng mga nasa likod ng pamamaslang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending