Gustong iwan ang mister

By Beth Viaje December 15,2017
share this

Gustong iwan ang mister

By Beth Viaje December 15,2017
share this

HELLO Ateng Beth,

Nagkalakas po ako ng loob na sumulat sa inyo dahil kailangan ko po ng isang taong makikinig sa problema ko at tutugon sa mga tanong ko.

Gusto ko na pong iwan ang mister ko dahil sa maraming kadahilanan. Matagal na sana ko itong ginawa, inalala ko lang mga anak namin. Tsaka hindi ko rin kasi kayang buhayin mga anak namin.

But now tapos na ang mga anak namin sa pag-aaral, at wala na kaming iniintindi, siguro now na para iwan siya. Yun nga lang nakokonsensiya naman ako. Nagtatalo isip ko kung iiwan ko siya o hindi ngayon na may sakit siya. Kung mahirap siyang pakisamahan noon, mas lalo na ngayon dahil sobra siyang mapanumbat, masakit magsalita at stressful kasama. Help naman, ateng Beth.

– Rizalina, 55, Laguna

 

Hello, Ateng Rizalina.

Sa totoo lang ang hirap ng kinalalagyan mo, ‘teh!

Pag iniwan mo siya ngayon, lalabas na makasarili ka dahil kung kailan siya may sakit saka ka magwo-walkout. Especially am sure walang may alam kung sino siya pag dalawa na lang kayo.

Kapag hindi mo naman siya iniwan, ikaw naman ang higit na magsa-suffer, gayong ang daming taon mo na siyang pinagtitiisan.

Makipag-usap ka sa kanya. Balewalain mo muna ang mga panunumbat niya at masasakit na sasabihin.

Or better yet, sumulat ka sa kanya. At doon isiwalat lahat ng nararamdaman mo at lahat ng kinikimkim mong pagdaramdam sa kanya over the years.

Tapos, yamang mukhang malalaki na mga anak mo, kausapin mo rin sila. Ipaliwanag mo saan ka nanggagaling. Siguro naman kilala nila ang ama nila. Sabihin mo sa kanila gusto mong mangyari ang mga plano mo, mga hindi mo nagawa.

Then lumayo ka muna. Baka naman hindi kailangang maghiwalay nang tuluyan; baka konting space lang muna. Baka naman kailangang huminga lang ng malaya.

Habang nakakahinga ka ng malaya, gawin mo yung pinaka gusto mong gawin. Mag enjoy at huminga ayon sa iyong naisin na walang inalala.

Tapos baka pwedeng bumalik at buuin ang pwedeng ayusin, malay natin na baka you only need a break.

Totoo, hindi perpekto ang napangasawa mo at wala naman talagang perpekto, pero nangako ka sa altar di ba, na mamahalin siya sa sakit o kalusugan? Ito yun…ito yung katuparan ng pangako mo.

Di ko sinasabing magtiis ka lang, sagipin mo rin ang sarili mo bago ka malunod, pero ‘wag mo rin naman hayaang malunod ang mga taong nasa paligid mo.

Above all, magdasal ka ‘teh na magkaron ka pa ng lakas at pag ibig para sa mga bagay na kinakaharap mo!

Ok, ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending