Ex-senator excited bumalik sa Senado

By Den Macaranas December 15,2017
share this

Ex-senator excited bumalik sa Senado

By Den Macaranas December 15,2017
share this

SINIMULAN na ng isang dating mambabatas ang kanyang pangangampanya sa mga lalawigan.

Sinabi ng ating Cricket na target ng dating pulitiko na muling makakuha ng pwesto sa Senado.

Pero nananatili pa ring opsyon para sa kanya ang tumakbo bilang mayor sa isang lungsod kung saan isang malapit na kaanak ang kasalukuyang alkalde.

Isa sa kanyang pinuntahan ay isang lungsod sa Central Luzon kung saan ang nakaupong mayor doon ay isang kilalang bilyonaryo.

Personal na nag-usap ang dalawa at nangako umano si mayor na magbibigay siya ng financial support sakaling tumakbo bilang senador si Sir.

Matunog rin ang balita na balak gumawa ng pelikula ni Mr. Politician kung saan ay sesentro ang kwento ng pelikula sa buhay ng lover ng isang kilalang babaeng pulitiko na ngayon ay nakakulong.

Kailangan umano nya ito para makakuha ng publicity para sa kanyang future plan sa pulitika.

Isa sa mga pinagkakaabalahan sa ngayon ng dating mambabatas ay ang pagtayo bilang adviser sa kanyang anak na ngayon ay nasa pulitika na rin.

Sinabi ng ilang malapit sa pamilya ni Sir na may future ang anak nito at malayong malayo sa estilo ni Sir na medyo may kayabangan noong siya ay nasa posisyon pa.

Nag-eenjoy rin daw si Sir sa kanyang bagong bahay na umano’y sadyang ipinatayo bilang bahagi ng kanyang pagbabagong buhay.

Ang dating opisyal na naghahanda na sa kanyang pagbababalik sa pulitika ay si Mr. E….as in Eastern.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending