Pinapasukang trabaho tax evader? | Bandera

Pinapasukang trabaho tax evader?

Liza Soriano |December 15,2017
facebook
share this

Pinapasukang trabaho tax evader?

Liza Soriano - December 15, 2017 - 12:10 AM

MAM, ask ko po, nag trabaho po kasi ako sa isang company dito sa taguig bilang isang graphic artist, may 1year and 2 months na po ako ngayon. nung nag start po ako mag trabaho 350 ang salary ko per day, tapos inabot pa po ako ng 5 months bago mag minimum, tapos .

Pero ung bagong nag apply ng same position ko, minimum agad, tapos ung iba din po na mga secretary ngayon nag start po sila ng 300 , minsan nga po nag tataka din ako sa company nila kasi parang may tinatago, kasi po kapag dumating ang taga BIR eh ang bibilis nila mag patay ng program, nag bebenta din sila ng mga item na hindi nila sariling brand, nung nakaraan nga po , pinagagawa nila kami ng sticker ng kanilang brand para e substitute dun sa Hindi nila pagmamay-aring brand, tulad ng mga mixer na brand Yamaha, pinapatakpan nila samin ng BMaudio brand, Gusto ko nga po ireklamo kasi, gusto ko po mag resign eh ayaw po nung boss namin,

Nag kasagutan nga po kami kasi po sabi ko gusto ko na talaga mag resign dahil magpapahinga muna ako sa province ,kasi next year magaaral po ulit ako, pero nagalit pa po sakin , ayaw tanggapin resignation ko kailangan daw 2months pa bago ako mag resign, eh wala po ako magawa , Hindi na po siguro ako babalik or papasok, kaso ung 13th month ko po Hindi ko makukuha tsaka ung last salary ko, advice naman po

REPLY: Good day sir!

Bibigyan ko po kayo ng dalawang options. nakita ko nang may pag labag sa general labor standards and tax evasion ang niyong kumpaniya. 1. Sa mga unpaid compensation ay maari kayong mag hain ng reklamong underpaid sa DOLE Muntaparlas 2. Para sa akin mas maganda ang mag request kayo ng inspection dahil kong may tinatago sila sa BIR MALAMANG NA HINDI RIN SILA NAGHUHULOG NG INYONG MANDATED INSURANCES GAYA NG SSS, PAG IBIG AT PHILHEALTH. TUMAWAG PO KAYO SA DOLE MUNTAPARLAS AT HUMINGI NG KAUKULANG INSPECTION.

Wala pong makapigil sa inyo sa pag re resign kailangan niyo lang mag process ng niyong clearance para makuha at Hindi ma hold ang inyong claims.
Tel. Nos. 8080422 at 8086165.
Salamat po.
Jerry Tabanyag
Dole center

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending