Erich game na game magpaseksi sa ‘Siargao’ | Bandera

Erich game na game magpaseksi sa ‘Siargao’

Ervin Santiago |December 15,2017
facebook
share this

Erich game na game magpaseksi sa ‘Siargao’

Ervin Santiago - December 15, 2017 - 12:50 AM

ERICH GONZALES

Speaking of “Siargao,” mukhang isa ito sa magiging dark horse sa MMFF this year mula sa Ten17 Productions.

Sa trailer pa lang kasi ng pelikula ay maa-amaze ka na sa ganda ng mga lugar na pinagsyutingan nina Jericho, Erich at Jasmine Curtis.

Na-capture talaga ni direk Paul Soriano ang ganda ng Siargao kaya siguradong maraming Pinoy ang mahihikayat na panoorin ito lalo na ‘yung mahihilig mag-travel pero hindi pa nae-explore ang Siargao.

Sa presscon kamakalawa ng pelikula, proud na proud sina Erich, Jasmine at Echo sa kanilang pelikula, at naniniwala sila na ang ganitong klase ng movie ay dapat mapanood ng bawat Pinoy, lalo na sa panahon ng Kapaskuhan.

Sabi nga ni Echo, siguradong makaka-relate sa “Siargao” ang mga taong may pinagdaraanan sa buhay at ‘yung mga Pilipino na nais makapagsarili at mag-soul searching. Sabi nga ni Erich, napakalaki ng nagawa ng Siargao sa kanyang personal na buhay, lalo na noong may mga hugot siya pagdating sa usaping pag-ibig.

In fairness, ang ganda-ganda ngayon ni Erich at napakaseksi pa. Ito raw ang produkto ng ilang linggo niyang pagwo-workout bilang paghahanda nga sa “Siargao” kung saan napakarami niyang eksena na naka-bikini lang.

Choice raw talaga ng dalaga ang mas maging daring ngayon para may maipakita naman siyang iba sa manonood. Gusto rin daw niyang mag-level up as an actress kaya napapayag siyang gawin ang mga maseselang eksena nila ni Jericho sa movie.

Sabi nga ni Erich, “Kung hindi ko ito gagawin ngayon, kailan pa, di ba? Kaya talagang kinarir ko ‘to (pagpapaseksi), pinaghirapan ko talaga!”

Hangga’t maaari ay ayaw na munang pag-usapan ni Erich ang tungkol sa personal niyang buhay, pero aniya, may mga tao naman daw na nagpaparamdam sa kanya at willing maghintay kung kailan siya magiging ready for another serious relationship. Sa ngayon, mas gusto niyang mag-focus muna sa kanyang trabaho.

Siguradong maglalaway at matatakam ang mga kalalakihan sa kaseksihan ni Erich sa “Siargao”, idagdag pa ang palaban din sa paseksihan na si Jasmine at siyempre pa, magpapahuli ba si Jericho kung abs at muscles din lang ang pag-uusapan, di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero aside from these factors, ipinagmamalaki ng buong cast and production ng pelikula ang ganda at kalidad ng kabuuan ng “Siargao” kaya sana raw ay suportahan din ito ng mga manonood sa darating na MMFF 2017 simula Dec. 25.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending