Kris tuloy na ang pagpo-produce at paggawa ng pelikula sa 2018 | Bandera

Kris tuloy na ang pagpo-produce at paggawa ng pelikula sa 2018

Cristy Fermin |December 15,2017
facebook
share this

Kris tuloy na ang pagpo-produce at paggawa ng pelikula sa 2018

Cristy Fermin - December 15, 2017 - 12:25 AM

KRIS AQUINO

POSITIBONG balita para sa mga tagasuporta ni Kris Aquino ang nalalapit na niyang paggawa ng pelikula. Pagpasok ng 2018 ay magiging abala na ang aktres-TV host sa paggiling ng mga camera para sa pagbibidahan niyang proyekto pagkatapos nang halos dalawang taon.

Kundi man naging mabait sa kanya ang kapalaran sa pagkakaroon ng show ay heto naman ang kanyang pambawi, magpoprodyus siya ng pelikula sa pagpasok ng susunod na taon, plantsado na ang kanyang mga plano.

Mahal na mahal ni Kris ang mundo ng lokal na aliwan, para siyang isda na inilipat sa lupa kapag nalayo ang bituka niya sa showbiz, hindi pa naman huli ang lahat dahil nandiyan pa rin ang kanyang mga tagahanga.

Patapos na ang 2017, pero ang pag-asa ni Kris na makabalik sa telebisyon ay nawalan ng saysay, nagpatulong na siya kay Willie Revillame para makapasok sa GMA 7 pero wala pa ring naganap.

Malay natin, hindi imposible, baka sa 2018 ay magbago na ang pagkakasalansan ng mga bituin sa buhay at career ni Kris Aquino. Kung ang kontrata ay may expiration date, ang mga problema at pagsubok ay ganu’n din, may katapusan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending