Female star laging nilalayasan ng kasambahay, walang ginawa kundi magbasag at magpaospital | Bandera

Female star laging nilalayasan ng kasambahay, walang ginawa kundi magbasag at magpaospital

Cristy Fermin |December 15,2017
facebook
share this

Female star laging nilalayasan ng kasambahay, walang ginawa kundi magbasag at magpaospital

Cristy Fermin - December 15, 2017 - 12:20 AM

SUMPUNGIN to-the-max kung ilarawan ng mga umalis niyang alalay at kasambahay ang isang pamosong aktres. Wala raw magandang araw para sa female personality, palaging may kakambal na problema, hindi nila maipaliwanag kung saan humuhugot ng pagiging sumpungin ang aktres.

Mahirap pakisamahan, hindi tumatanggap ng pagkakamali, matigas ang ulo at pasaway, ganu’n kung tawagin ng kanyang mga dating PA at kasambahay ang babaeng personalidad.

Kuwento ng aming source, “PA na ngayon ni ____ (pangalan ng isang female personality) ang dating PA ng babaeng ‘yun! Nakailang months lang sa kanya ang girl, hindi na niya kinaya ang ugali ng amo niya!

“E, parang wala raw naman siyang magandang nagagawa para sa babaeng ‘yun, para siyang referee sa basketball na palaging ang mga mali niya ang hinahanap, kaya nagpaalam na lang siya.

“Kesehodang mamatay-matay na raw siya sa katatrabaho sa maghapon, e, deadma lang ang girl, pero kapag may nagawa siyang kahit napakaliit na mali lang, e, nagwawala na ang amo niya.

“Nagbabasag pala siya ng mga kagamitan? At kahit pala nasa harap na siya ng hapag at kakain na, kapag bigla siyang sinumpong, e, binabasag niya ang bawat mahawakan niya!

“‘Yun ang dahilan kung bakit walang tumatagal na kasambahay sa kanya. Ilang buwan lang, e, umaalis na, kumukuha na naman siya ng bago sa maraming agency,” kuwento ng aming impormante.

Palagi raw nagrereklamo ang aktres na masakit ang ganito at ganu’ng parte ng katawan niya. May mga pagkakataon pang nakikita na lang ng kanyang mga kasambahay ang girl na nakasaklay pero hindi naman siya nadulas o nahulog.

“Nalolokah sa kanya ang mga maid-of-cotton niya. Wala man siyang serye at pelikula ngayon, e, uma-acting pa rin siya! Bigla na lang siyang nagpapaospital na wala namang malinaw na dahilan kung bakit.

“Basta, trip lang niya ‘yun! Mas maganda siguro kung paluin na lang ng bareta ng sabon sa ulo ang babaeng ito para magising na siya sa katotohanan na puro kalokahan ang mga pinaggagagawa niya!” pagtatapos ng aming source.

Ano ang masasabi n’yo ngayon, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, getlak n’yo na kung sino siya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending