Funny One Donna nakatagpo ng instant ka-loveteam sa Ateneo | Bandera

Funny One Donna nakatagpo ng instant ka-loveteam sa Ateneo

Ambet Nabus |December 14,2017
facebook
share this

Funny One Donna nakatagpo ng instant ka-loveteam sa Ateneo

Ambet Nabus - December 14, 2017 - 12:05 AM


PRODUKTO ng It’s Showtime ang bagong comedienne na si Donna Cariaga.

Laging viral ang mga hugot post ng grand winner ng “Funny One” na bentang-benta sa mga tulad naming millennials! Ha-hahaha!

Anyway, mukhang mas mapapabilis ang pagsikat ng dalaga dahil tila nakakita na ito ng kanyang makaka-tandem – sa katauhan ng aming anak-anakan na si Thirdy Ravena, mula sa champion team na Ateneo sa UAAP. Swak ang batuhan nila ng emote as witnessed by many sa naging guesting nila sa Gandang Gabi Vice.

Although alam naming magpopokus ang binata sa kanyang basketball career, hindi malayong from time to time ay makakuha siya ng TV guesting kasama si Donna dahil nga sa lakas ng chemistry nila. Sayang naman kung hindi mabibigyan ng chance ang kanilang “loveteam”, di ba?

Aliw na aliw kami sa mahusay na timing ng komedyana at winner talaga ang pagkakaroon niya ng tila poker face sa bawat bitaw niya ng punchline.

With Thirdy’s popularity among the millennials, sure na mas kukuwela pa ang mga patawa ni Donna bilang pinakabagong “Hugot Queen”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending