'Finger photo' ni Luis binatikos, sobra na raw ang kabastusan | Bandera

‘Finger photo’ ni Luis binatikos, sobra na raw ang kabastusan

Alex Brosas |December 14,2017
facebook
share this

‘Finger photo’ ni Luis binatikos, sobra na raw ang kabastusan

Alex Brosas - December 14, 2017 - 12:25 AM


WHEN Luis Manzano posted a wounded finger with this caption: “Yung nasugatan ka na nga, natanggal ka pa sa trabaho #anakng #kahawiglangpo,” marami ang nabastusan sa kanya.

His bashers felt na hindi naman daliring sugatan ang photo na kanyang ipinost kundi male genital. Ang daming naloka sa post na ‘yun ni Luis kaya ang dami ring nag-react.

“Please remove that not nice,” said one guy.

“Nao-offend po kayo sa sugat?” Luis asked.

“It does not looks sugat,” sagot naman sa actor.

“May kuko po. Naka 5110 (cellphone) po ba kayo,” pang-ookray pa Luis sa netizen.

Binura na ni Luis ang post na ‘yon sa kanyang timeline. But fans of Luis defended him from bashing.

“Sugat yan ahh di naman kung ano. Tahi yung sugat. Ano bang masama dun sa sugat eh nasugatan yata yan.”

“Masyado naman kayo maselan sa nakikita nyo…walang seryosohan.”

“Hinlalaki yan sa kamay! Aahhh.”

q q q

Ang lakas ng impact ng pagkakasabi ni Sandrino (Richard Gutierrez) kay Tristan (Daniel Padilla) na kapatid niya ito sa La Luna Sangre.

Na-shock at tila hindi maka-move on ang televiewers kaya naman nagtalo sila sa social media. Kanya-kanya silang kuro-kuro, kanya-kanyang paliwanagan.

“Grabeh yung twist kala ko nga si Supremo ang kanyang tatay. yun pala magkapatid sila, ang tatay nila ay si Magnus isa pinakamalakas na Vampire sa panahon niya! Grabeh wagas! Best Plot Twist talaga!?”

“Think, si Tristan ang nasa propesiya na ipinanganak na may sumpang tinta at hindi si Supremo, at sya ang pinakamalakas na vampire!?”

“Ang daming naguluhan sa istorya dahil sa episode na to na magkapatid sila di ba nga sabi isa tong fantaserye anything pwede mangyari dito sa palabas na to tulad nito magkapatid pala sila kala ko mag ama, so ibig sabihin pwede rin ba magkatuluyan sina Jacintha at Sandrino?”

“I think kaya nasabi ni Sandrino na magkapatid sila para malaman ang magiging reaksyon ni Tristan. Kung magtatapat siya na siya ang tatay ni Tristan gagamitin si Tristan laban kay Sandrino?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Yan ang kanilang opinion.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending