Supladang youngstar kailangan mo pang bayaran para ngumiti | Bandera

Supladang youngstar kailangan mo pang bayaran para ngumiti

Cristy Fermin |December 14,2017
facebook
share this

Supladang youngstar kailangan mo pang bayaran para ngumiti

Cristy Fermin - December 14, 2017 - 12:15 AM


PAGPANSIN ng mga miron, habang todo ang PR ng isang bagitong magaling na aktor ay ‘yun naman ang parang pagiging maldita ng kanyang girlfriend, matagal nang nagiging kuwentuhan ang kakaibang ugali ng young actress.

Ayon sa mga nakakakita sa kanya, dapat nga raw ay marami na siyang natutuhan tungkol sa pakikisama dahil galing siya sa isang angkan ng mga artista, pero mukhang deadma lang ang maganda pa namang youngstar.

“Napakamahal ng ngiti ng batang ‘yun! Para bang hirap na hirap siyang ngumiti! ‘Yun ang pinakamadaling gawin sa buhay na ito, pero hindi pa niya magawa-gawa.

“Ewan naman kung bakit maramot siya sa pagngiti, parang kailangan mo pa siyang bayaran muna bago siya magpakita ng dimples niya, ang ganda-ganda pa naman niya, sa totoo lang!” umpisang pagpansin ng aming source.

Kung gaano siya karamot ngumiti ay sinasalo na lang ‘yun ng kanyang boyfriend na magaling na aktor.

Pagdating pa lang nito sa set ay nakangiti na, bumabati sa kanyang mga katrabaho, maganda ang PR ng young actor.

“Lahat ng pagkukulang niya, ang boyfriend niya ang sumasalo. Kung gaano siya karamot ngumiti, halakhak pa ang ibinibigay ng bagets actor. Marunong siyang makisama, bagito lang siya, pero magaling na siyang makisama.

“Sana nga, pahiramin niya ang girlfriend niya ng magandang PR, hindi ‘yung palagi na lang siyang ganyan. Ngiti lang ba naman, ipagdadamot pa?” sabi uli ng aming impormante.

Ngayon na lang gumaganda ang imahe ng magandang young actress, dati siyang pinagpipistahan sa social media, nakakaawa siya nu’n dahil puro upak ang inaabot niya sa mga netizens. Tinawag siyang ingrata, walang utang na loob, maldita.

“Buti nga at nauntog din siya nang maaga na ang pagtanaw sa utang na loob, lalo na sa mga magulang, e, napakahalaga. Walang mangyayari sa career niya kung kakalabanin niya ang taong naging dahilan kung bakit siya isinipot sa mundo,” napapailing pang sabi ng aming source.

Naku naman, kailangan pa ba ng clue, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday? Ang hindi makahuhula, hahampasin ng bareta ng sabon, ganern!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending