'Sana'y mabiyayaan agad ng munting anghel ang pagmamahalan nina Ai Ai at Gerald!' | Bandera

‘Sana’y mabiyayaan agad ng munting anghel ang pagmamahalan nina Ai Ai at Gerald!’

Cristy Fermin |December 14,2017
facebook
share this

‘Sana’y mabiyayaan agad ng munting anghel ang pagmamahalan nina Ai Ai at Gerald!’

Cristy Fermin - December 14, 2017 - 12:20 AM

MRS.SIBAYAN na ngayon ang Philippine Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas. This is it, sabi nga ng kanyang mga anak, kaibigan at katrabaho.

Sa kuwento ng aming mga kaibigan dahil hindi nga kami nakadalo bilang ninang sa kasal ni Ai Ai at Gerald Sibayan ay maayos daw ang daloy ng kasal na inabot nang halos dalawang oras.

Kung ang pagbabasihan ng haba ng pagsasama ay ang mga obispo at paring nagkasal kina Gerald at Ai Ai ay puwede ngang sabihin na dinisenyo sa langit ang kanilang relasyon.

“Super-yes!” ang sagot ni Ai Ai nang tanungin siya kung tinatanggap ba niyang maging kabiyak si Gerald, nang isinusuot niya naman ang singsing sa daliri ni Gerald ay nagpakuwela ang bride, “Hindi kasya, Ning!”

“Nakakaloka si Eileen, pati ang kasal niyang super-solemn, e, nagagawa niyang komedyahin. Nakakaaliw siya!” kuwento ng aming kaibigang dumalo sa kasal.

Matindi ang pinagdaanan ng kanilang relasyon, pero kinaya nilang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan, ibang klase talagang magdikta ang puso.

Maligayang bati, Mr. and Mrs. Gerald Sibayan, mabuhay kayo at sana’y mabiyayaan agad kayo ng munting anghel na mas magpapatibay pa sa inyong pagmamahalan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending