Madramang life story ng beking Pinoy designer babandera sa MMK | Bandera

Madramang life story ng beking Pinoy designer babandera sa MMK

|December 14,2017
facebook
share this

Madramang life story ng beking Pinoy designer babandera sa MMK

- December 14, 2017 - 12:40 AM


PAANO kung ang pinakamamahal mong kapatid na naging kasangga mo na sa bawat laban ng buhay ay bigla na lang pagbabarilin ng halang ang kaluluwa hanggang mamatay?

Kapwa bading ang magkapatid na Bryan at Rey at tulad ng ibang mga katulad nila, hindi rin sila matanggap ng kanilang ama. Ngunit salamat sa kanilang pamilya at mga kaibigan dahil suportado sila ng mga ito sa kanilang mga pangarap.

Saludo si Ryan sa kasipagan ng kanyang kuya Bryan na kahit hindi matanggap ng kanilang tatay ay patuloy pa ring nagsisikap para sa kinabukasan nila. Ginawa ni Bryan ang lahat para matupad ang pangarap na maging magaling na fashion designer.

Dahil sa kanyang pagsisikap naging maganda ang buhay ni Bryan sa fashion design industry habang itinuloy naman ni Rey ang pangarap na maging flight steward. Ngunit biglang magbabago ang takbo ng kanilang buhay nang patayin ang kanyang kapatid.

Tanggapin kaya niya ang hamon ng mga taong nagmamahal kay Bryan na sana’y maipagpatuloy niya ang nasimulan ng kapatid sa mundo ng fashion? Handa ba siyang talikuran ang sariling career para sa legacy ng itinuring na niyang idolo.

Yan ang tutukan sa isa na namang special and inspiring story ng tagumpay sa episode ng MMK ngayong Sabado sa ABS-CBN after Little Big Shots, hosted by Charo Santos. Ito’y sa direksyon ni Raz dela Torre, sa panulat ni Akeem del Rosario.

Bibida rito bilang Rey at Bryan sina Patrick Sugui at Angelo Ilagan. Sina Yñigo Delen at Zaijian Jaranilla ang gaganap bilang batang Rey at Brian. Kasama rin dito sina Dominic Ochoa, Aleck Bovic, Mico Aytona, Marc Acueza, Axel Torres, Alex Diaz, Sarah Carlos at Mikee Agustin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending