Naging malapit ako kay Miss Universe kaya feeling ko mas lalo akong lumakas!- Vice | Bandera

Naging malapit ako kay Miss Universe kaya feeling ko mas lalo akong lumakas!- Vice

Reggee Bonoan |December 14,2017
facebook
share this

Naging malapit ako kay Miss Universe kaya feeling ko mas lalo akong lumakas!- Vice

Reggee Bonoan - December 14, 2017 - 12:10 AM


HINDI na raw nagpapaapekto si Vice Ganda sa pressure ng magiging box-office result ng kanyang 2017 MMFF entry na “Gandarrapiddo: The Revenger Squad” kung saan makakasama rin niya sina Daniel Padilla at Pia Wurtzbach.

“Tapos na ako doon sa baliw na baliw at aligagang taranta. Dati kasi, baliw levels na nanginginig. Hindi nila ako makausap. Tanong ako ng tanong kung magkano na. Ang pressure sa akin ngayon is laging maganda ‘yung movie,” ayon sa TV host-comedian.

“Ang ganda na ng nasimulan ko. Nakapagpamarka na ako ng pelikulang nakakatawa. Ayaw kong magkaroon ng butas na masabi ng audience ko na hindi na nakakatawa. Kasi ‘yun ang pinanghahawakan nila,” aniya.

“Kaya every year, nagiging successful ang project ko kasi ‘yung experience nila nu’ng nakaraang taon, ‘yun ang binibitbit nila sa present. Kumbaga papanoorin ko ito kasi natawa ako last year. Nandoon ang pressure,” paliwanag pa ng komedyante.

Pagpapatuloy pa ni Vice, “Kaya kami kampante na iba lagi ‘yung material na ino-offer namin every year kasi sinasabayan po namin ‘yung panahon. Kung ano ‘yung relevant ngayon, doon kami naka-concentrate.

Lahat sila ay umaasa na magiging blockbuster din ang kanilang entry, “Siyempre masaya kung malampasan. Gusto ko rin iyon. Kaya nga nagke-claim ako. Pinangungunahan ko na P1 billion. Kine-claim ko lang naman.

“Kaibigan ko for the past years ang universe. Naging malapit pa ako sa Miss Universe (Pia) kaya feeling ko ang lakas-lakas ko lalo. ‘Yung pressure, tapatan mo lang ng konting yabang,” ang sabi pa ni Vice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending