Bagyong Urduja magla-landfall sa Sabado; nakaamba sa Visayas, Bicol at Caraga | Bandera

Bagyong Urduja magla-landfall sa Sabado; nakaamba sa Visayas, Bicol at Caraga

Leifbilly Begas |December 13,2017
facebook
share this

Bagyong Urduja magla-landfall sa Sabado; nakaamba sa Visayas, Bicol at Caraga

Leifbilly Begas - December 13, 2017 - 03:25 PM

Inaasahang magla-landfall ang bagyong Urduja sa Sabado, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration. Ayon sa PAGASA posible ring umakyat sa kategoryang tropical storm mula sa tropical depression ang bagyo sa susunod na 36 na oras. Katamtaman hanggang sa malakas na pagbuhos ng ulan ang mararanasan sa look ng 300 diametro mula sa mata ng bagyo. Magdadala ng pag-ulan ang bagyo sa Visayas, Bicol Region at Caraga. Miyerkules ng umaga ang bagyo ay nasa layong 415 kilometro sa silangan-hilagang silangan ng Surigao del Sur.  May hangin ito na umaabot ang bilis sa 55 kilometro at pagbugsong 65 kilometro. Umuusad ito sa bilis na anim na kilometro pahilaga-hilagang kanluran. Huwebes ng umaga, ang bagyo ay inaasahang nasa layong 415 kilometro sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending