Kris 2 pelikula ang gagawin sa 2018 | Bandera

Kris 2 pelikula ang gagawin sa 2018

|December 13,2017
facebook
share this

Kris 2 pelikula ang gagawin sa 2018

- December 13, 2017 - 12:20 AM

KRIS AQUINO

KUNG wala nang magiging problema, dalawang pelikula raw ang gagawin ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa susunod na taon.

Sey ni Kris, isa ang gagawin niya para sa iFlix na siyang magsisilbing comeback movie niya. Isa raw itong horror movie.

Ang ikalawa ay hindi pa pwedeng idetalye ng tinaguriang bagong Social Media Queen pero aniya, first time raw niyang gagawa ng ganitong klase ng pelikula. Ito’y sa ilalim ng direksyon ni Chris Martinez.

“When he presented to me, na-excite ako. So I said, ‘Okay, I’ll go for this,’ because it’s something that I wanted to do because of Direk Chris.’

“Hindi siya comedy na dark comedy, hindi rin siya drama. But it’s something I’ve actually never done. Definitely by first quarter, may sinu-shooting na,” kuwento ni Kris sa panayam ng Pep.ph.

Ang huling pelikulang ginawa ni Kris ay ang romcom na “All You Need Is Pag-ibig” na naging official entry sa 2015 Metro Manila Film Festival.

Samantala, wala pa ring balita kung magbabalik na rin sa telebisyon si Kris sa 2018. Patuloy pa ring kinakalampag ng kanyang social media followers at loyal fans ang GMA 7 para kunin na si Tetay at bigyan uli ng sariling talk show.

Naniniwala ang followers ni Kris na may babalikan pang career as mundo ng telebisyon ang mommy nina Joshua at Bimby.

Sabi nga ng isang netizen, “Just give her a chance to prove na siya pa rin ang reyna ng talk show. Pwede niyang tapatan ang morning show ng ABS-CBN! Sure na sure kami na magre-rate agad ang show niya!”

Samantala, marami na ang nag-aabang ngayon kung kanino mapupunta ang mga bonggang Pamasko ni Kris para sa kanyang “#Christmaslovelovelove”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Libu-libong netizens talaga ang sumali sa #Christmaslovelovelove dahil sa ipamimigay niyang branded

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending