Controversial showbiz couple ginagawang joke ang relasyon, niloloko ang mga tao | Bandera

Controversial showbiz couple ginagawang joke ang relasyon, niloloko ang mga tao

Cristy Fermin |December 13,2017
facebook
share this

Controversial showbiz couple ginagawang joke ang relasyon, niloloko ang mga tao

Cristy Fermin - December 13, 2017 - 12:15 AM


TAWA nang tawa ang isang grupo ng mga becki isang gabi. Ang pinagtatawanan nila, ang isang showbiz couple na pa-victim ang girl, at tagapagtanggol niya naman ang kanyang karelasyon.

Puro halakhakan ang maririnig sa paligid, kasi nga ay bulok na kuno ang drama ng magkarelasyon, papansin lang sila.

Kuwento ng isang source, “Kundi ba naman mga timang ang dalawang ‘yun! Magpo-post ang girl ng mga sexy photos niya, kapag naman may nagbigay ng reaction, to the rescue ang boyfriend niya!

“Ang hilig-hilig pa namang pumatol ng guy sa mga netizens, ipinaglihi yata siya ng nanay niya sa patola, dahil wala siyang pinalalampas!

“Pa-victim kasi ang girl, post siya nang post ng mga sexy pictures niya, pero kapag meron namang pumatol sa post niya, agad nang makikisawsaw ang boyfriend niya!” tawa nang tawang kuwento ng unang miron sa umpukan.

Siguro raw ay pinag-uusapan ng magdyowa ang kanilang ginagawa. Manggagaling sa babae ang ideya, papayag naman ang aktor, nilalaro nila ang kanilang relasyon.

“Mapaglaro ang magdyowang ‘yun! Ginagawa nilang joke ang relasyon nila. Bakit papayagan ng lalaki ang girlfriend niya na maglabas ng mga pictures na halos hubad na siya, aber?

“Natural, kung walang basbas ‘yun ng lalaki, e, siguradong pag-aawayan nila ‘yun, di ba? So, lumalabas na okey lang sa guy ang mga posts ng GF niya, di ba?

“Ano ‘yun, para lang sila may magawa, para lang sila mapag-usapan? E, ang girl lang naman ang walang work, di ba? Bisi-bisihan naman ang boyfriend niya, a? Pero naisisingit pa rin niya sa busy schedule niya ang pagiging patolah, sa totoo lang!

“Magtigil na nga sila! Sila itong nang-iimbita ng reaction, sila itong naglalaro, pero pa-victim pa ang babaeng ‘yun na ang feeling naman, e, ang suwerte-suwerte niya dahil ipinagtatanggol siya ng boyfriend niya!” naiinis na pagtatapos ng isang source sa umpukan.

Walang kahirap-hirap na hulaan kung sinu-sino ang mga bumibida sa kuwentong ito, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kaya text na!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending