‘Ang Probinsyano’ ni Coco sa ABS-CBN extended uli? | Bandera

‘Ang Probinsyano’ ni Coco sa ABS-CBN extended uli?

|December 13,2017
facebook
share this

‘Ang Probinsyano’ ni Coco sa ABS-CBN extended uli?

- December 13, 2017 - 12:20 AM


SINULIT ni Coco Martin ang pagpunta sa Italy kamakailan kung saan nakasama niya ang kanyang pinakamamahal na lola.

Pagkatapos ng kanilang show sa Florence, ipinasyal ng nag-iisang Teleserye King si Lola Matilde sa magagandang lugar sa Italy.

Ilan sa mga binisita nilang tourist spots sa nasabing bansa ang mga iconic Catholic churches doon tulad ng Sanctuary of Saint Pio of Pietrelcina sa San Giovanni Rotondo at ang Basilica of St. Mary Of The Flower sa Florence.

Nagpapasalamat din si Coco sa lahat ng mga Pinoy na nakisaya sa kanila sa Italy kung saan nakasama rin niya ang ilan sa co-stars niya sa seryeng Ang Probinsyano na patuloy pa ring namamayagpag sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Mahigit dalawang taon na ito sa ere pero hindi pa rin matibag-tibag sa ratings game. Sa katunayan, muli itong pumalo sa 40.5% national TV rating nitong nakaraang Lunes habang 18.1% lang ang nakuha ng kalaban nitong programa.

Ang tanong, muli kaya itong ma-extend? Ituloy kaya ang naunang plano na hanggang January, 2018 na lang ito o mas pahahabain pa dahil marami pa rin ang sumusubaybay sa buhay ni Cardo Dalisay?

May mga manonood na gustong magpatuloy pa ang kuwento ng FPJ’s Ang Probinsyano dahil naging bahagi na raw ito ng kanilang buhay tuwing gabi, pero meron ding nagsasabing tapusin na ito at bigyan na lang uli ng bagong serye si Coco.

Komento ng isang netizen, “Pwede namang i-extend uli kung mahahanapan pa nila ng bagong twist and turns ang kuwento ni Cardo.

“Feeling ko naman, marami pang pwedeng mahugot ang Dreamscape Entertainment sa buhay ni Cardo Dalisay. Pero kailangan mas maging exciting ito dahil baka nga magsawa na ang mga tao.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending