Misis ng seaman, anak na babae natagpuang patay sa kanilang bahay sa Cavite | Bandera

Misis ng seaman, anak na babae natagpuang patay sa kanilang bahay sa Cavite

|December 12,2017
facebook
share this

Misis ng seaman, anak na babae natagpuang patay sa kanilang bahay sa Cavite

- December 12, 2017 - 03:13 PM

NATAGPUANG patay ang isang nanay at pitong-anyos na anak na babae sa loob ng kanilang bahay sa General Trias City sa Cavite, ayon sa pulisya.

Nakilala ang mga biktima na sina Ruby Gamos, 34, at kanyang anak na babae na si  Shaniah Nicole.

Nasa abroad ang mister ng biktima, na isang seaman. Dumating siya sa bansa kahapon ng umaga,

Sinabi ni Supt. Sandro Tafalla, General Trias police chief,  na iniimbestigahan na nila ang kaso na ang una nilang teorya ay pagnanakaw.

Idinagdag ni Tafalla na unang iniulat ang pangyayari sa pulisya noong Lunes ng hapon matapos madiskubre ng hipag ni Gamos, na si Karen Bongalos, ang mga bangkay ng biktima sa loob ng kanilang bahay sa Kensington subdivision sa Barangay Navarro.

Ayon kay Tafalla, humingi ng tulong si Bongalos sa mga guwardiya ng  subdivision para makapasok sa bahay matapos na hindi makontak sina Gamos at Shaniah simula Disyembre 8.

“The victims could have been dead from three to four days,” sabi ni Tafalla.

Sinabi ni Tafalla na nawawala ang mga ari-arian ng mga biktima, kasama na ang  cell phone,  mga alahas, kotse nila na isang Toyota Wigo.

Ani Tafalla wala ring palatandaan na pinilit pasukin ang bahay.

Wala ring sugat ang mga biktima, na nangangahulugang sila ay pinatay sa sakal, ayon pa kay Tafalla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending