Horoscope, December 12, 2017 | Bandera

Horoscope, December 12, 2017

|December 12,2017
facebook
share this

Horoscope, December 12, 2017

- December 12, 2017 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Konting tiis na lang, sa pagpasok ng buwan ng Enero sa susunod na taong kusa ng papabor sa iyo ang kapalaran. Sa pag-ibig magiging masaya na ang love life sa kasuyong isinilang sa buwan ng Mayo. Mapalad ang 9, 15, 24, 39, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Rama-Krisna-Om.” Red at Green ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)— Magandang pang-regalo ngayong kapaskuhan sa minamahal ang bagong unit ng cell phone o kaya’y ipad. Magugulat siya at sasabihing “wagas” ang iyong pag-sinta. Sa pinansyal, habang namimigay, tuloy ang pasok ng maraming pera. Mapalad ang 5, 17, 24, 31, 39 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Raga-Om-Kastha.” Purple at gray ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Upang maging lubos ang ligaya wag masyadong gumastos ngayong pasko. Magtira ng pera para sa Bagong Taon at sa Araw ng mga Puso. Sa pag-ibig, paglaanan ng ibang araw ang espesyal na date ninyo ng iyong kasuyong mahilig. Mapalad ang 7, 10, 28, 31, 40 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Agiel-Zazel-Yophiel”. Yellow at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Iwasan ang bisyo! Ngayon pa lang simulan na ang New Year’s resolution. Sa ganyang paraan, dahil ikaw ang mas nauna kaysa sa kanila – magtatagumpay ka! Mapalad ang 5, 14, 18, 23, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Ako ngayon ay bagong buhay!” Blue at purple ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Magbabago na ang kapalaran sa susunod na taong 2018. Sa pinansyal at pag-ibig habang nalalapit ang kapaskuhan mabilis namang lalago ang kinikita. Sa pag-ibig, tuloy ang “on and off” na relasyon, sayang magpa-pasko pa naman. Mapalad ang 7, 16, 20, 36, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Babanam-Aum-Kebalam.” Yellow at pink ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Uso ang sakit ngayon! Upang maiwasan ang karamdaman, tuwing unang oras sa umaga magbilad sa init ng araw. Basta’t naarawan ka mas magiging malakas ang iyong pangangatawan. Ang sikat din ng araw ang magbibigay sa iyo ng malaking suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 1, 19, 22, 25, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Trata-Savitra-Om.” Yellow at blue ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Panahon na upang isakatuparan ang lahat ng iyong inisip. Sa pagpasok ng taong 2018 kusang mangyayari ang lahat ng binabak. Sa pag-ibig higit sa inaasahan ang romansang mararanasan. Mapalad ang 5, 14, 19, 23, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vedanta-Om-Govinda.” Beige at red ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Lalong magiging mainit ang relasyon kung hahaluan ng biruan. Wag laging seryoso. Mamayang gabi, halikan sa leeg ang kasuyo hanggang sa siya ay makiliti at pagkatapos sa tenga at pisngi naman! Kung lagi kayong masaya patuloy na darating ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 4, 13, 28, 37, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om!” Gold at lilac ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa pagpapatwad, mas maraming suwerte at magandang kapalaran ang makakamit. Mas mainam kung kalilimutan na ang mga maling nagawa ng kasuyo, tutal magpapasko na naman. Wag ka na lang kumibo kahit ano pa ang kasalanan niya, kaysa sa sumama pa ang iyong loob. Mapalad ang 3, 12, 27, 39, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Kurvan-Adhenan-Jana-Om.” Pink at lilac ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Kailangan pa ring hingin ang opinyon ng mga kaibigang nagtagumpay sa pangangalakal bago simulan ang iniisip na negosyo, sa ganyang paraan hindi ka malulugi. Sa pag-ibig, wag mahirati sa dati ng ginagawa, bagong istilo ng romansa ang dapat. Mapalad ang 5, 18, 22, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Om-Karan.” Silver at blue ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Ituloy mo lang ang nasimulan pagsisikap at pagsisipag. Pinapanood ka ng langit. Habang nagtitiis ka at nagsisikap, nakahanda na ang gantipalang makakamit, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang bubuhos sa isang pagkatao sa susunod na mg araw. Mapalad ang 5, 17, 28, 33, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Dheva-Om.” Gold at purple ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pag-ibig, kahit na mahilig komontra ang kapareha, hindi mo siya dapat itsapuwera, sapagkat ang hindi mo alam, sa kanya ka humuhugot ng lakas. Ngayon pasko mag-combine force kayo sa negosyong may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 7, 25, 32, 34, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Aum.” Green at white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Sa araw na ito mawawala ang lahat ng takot. Maiisip mong dapat pala noon ka pa kumilos upang makamit ang tagumpay. Sa pag-ibig, salubungin ng romansa ang pagiging agresibo ng kasuyo. Mapalad ang 3, 27, 36, 39, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Sucti-Suras-Sucti-Om.” Violet at red ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending