Sharon patuloy na ipinaglalaban ang pagmamahal kay Kiko | Bandera

Sharon patuloy na ipinaglalaban ang pagmamahal kay Kiko

Jun Nardo |December 12,2017
facebook
share this

Sharon patuloy na ipinaglalaban ang pagmamahal kay Kiko

Jun Nardo - December 12, 2017 - 12:40 AM

SHARON CUNETA AT KIKO PANGILINAN

HINDI na dapat pagdudahan ang matatag na relasyon ng mag-asawang Sen. Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta matapos nilang ilabas ang kanilang Christmas family picture.

Tuwing Pasko, sama-sama silang nagpapalitrato na ipinamimigay nila sa mga kamag-anak at kaibigan.

Larawan ng isang happy family ang Pangilinan-Cuneta nang magsama-sama sina Sen. Francis, Shawie at mga anak na sina KC, Frankie, Miel at Miguel. Kasunod nito ang isang fam dinner sa bahay mismo ni KC.

Alaga sa intriga ang relasyong Kiko at Shawie pero kahit may mga kuda at hanash sa pagsasama nila, wag nang pagdudahan na hanggang ngayon ay buo pa rin ang kanilang pamilya.

Sabi nga ng ilang Sharonians talagang ipinaglalaban ni Mega ang relasyon nila ni Sen. Kiko kaya tumatagal ang kanilang pagsasama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending