Nanay ni sexy star malalim ang hugot kay talakerang aktres | Bandera

Nanay ni sexy star malalim ang hugot kay talakerang aktres

Cristy Fermin |December 12,2017
facebook
share this

Nanay ni sexy star malalim ang hugot kay talakerang aktres

Cristy Fermin - December 12, 2017 - 12:25 AM

ILANG tulog at gising na lang at Pasko na, pero hanggang ngayo’y may lungkot pa rin sa puso ng ina ng isang female personality, dahil hindi mawala-wala sa isip nito ang ginawa ng isang pamosong aktres sa kanyang anak.

Nilait-lait kasi ng malditang aktres ang kanyang anak na kung tawagin ng kanyang mga kasamahan sa trabaho ay sobrang cowboy dahil sa husay niyang makisama.

Pati ang mga utility ng produksiyon ay kaibigan niya, nirerespeto at pantay-pantay ang tingin niya sa lahat ng mga taong involved sa proyekto, walang malaki at walang maliit na manggagawa.

Ganu’n kaganda ang PR ng sexy actress, mahal siya ng kanyang mga kapwa artista, lalo na ng mga kasamahan niya sa production. Wala kasi siyang tinititigan at tinitingnan lang.

Kuwento ng aming source, “E, kaso, may isang tsismosang nagsabi kay ____ (pangalan ng malditang aktres) na close na close daw ang husband niya kay ____ (pangalan ng mabait na sexy actress), kaya nalason ang utak niya.

“Nu’ng una, e, padalaw-dalaw lang muna si aktres sa taping dala-dala ang palagi niyang pang-emotional blackmail sa husband niya, buong-ningning siyang dumadalaw dahil nami-miss daw kasi ng baby nila ang daddy.

“Ganu’n lang nu’ng una, hanggang sa pinagdudahan na niya nang todo ang girl na wala namang masamang ginagawa, nagtatrabaho lang naman ‘yung tao, nagpapaka-professional lang.

“Hanggang sa kinompronta na niya ang girl, pinagsalitaan nang sobrang sakit, walang nagawa ang girl kundi ang humagulgol na lang nang humagulgol dahil wala naman siyang inaagaw, wala siyang sinasagasaan.

“Ngayong malapit na ang Christmas, e, malungkot pa rin ang mommy niya. Naaalala pa rin ni mommy ang ginawang pambabastos ng babaeng ‘yun sa anak niya. Alam naman natin ang pusong-ina, talagang mahirap niyang tanggapin ang pambabastos ng ibang tao sa mahal niyang anak, di ba?

“Ang malditang babaeng ‘yun, e, may makakatapat din isang araw. Sasambulat sa mismong mukha niya ang mga kalokahan niya. Aaaaaaaaawwww!!!!” pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, may iba pa ba? Aysus, hawak ng babaeng ‘yun ang kamalditahang walang kapantay!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending