Vice: Hindi ko kailangang mag-anak para may mag-alaga sa akin...kukuha na lang ako ng caregiver! | Bandera

Vice: Hindi ko kailangang mag-anak para may mag-alaga sa akin…kukuha na lang ako ng caregiver!

Alex Brosas |December 11,2017
facebook
share this

Vice: Hindi ko kailangang mag-anak para may mag-alaga sa akin…kukuha na lang ako ng caregiver!

Alex Brosas - December 11, 2017 - 12:10 AM


AT this time, hindi pa rin pala type ni Vice Ganda na magkaanak o mag-ampon.

“Hindi ko po kasi binibili ‘yung rason na ‘paano ‘yan kapag tumanda ka sino ang mag-aalaga sa ‘yo?’ I just found it so selfish na iyon ang dahilan kung bakit ka mag-aanak, dahil gusto mo lang na may mag-alaga sa iyo.

“Kasi para sa akin kaya gusto mong magkaanak ay kasi gusto mong maging magulang, hindi dahil para may mag-alaga sa iyo. Kaya sabi ko, hindi ko naman kailangang mag-anak para may mag-alaga sa akin kasi ayaw ko namang obligahin ang tao para lang alagaan ako.

“Eh, di mag-iipon na lang ako para may pambayad ako ng caregiver. May mga pamangkin ako sa kapatid ko na aalagaan din ako sakaling tumanda ako,” say niya sa presscon ng “The Revenger Squad” na pinagbibidahan nila nina Daniel Padilla at Pia Wurtzbach.

“Pangalawa, ayokong i-subject ‘yung bata doon sa kahirapan ng sitwasyon niya habang lumalaki siya na ang magulang niya ay isang bakla dahil pakiwari ko po ay hindi pa handa ang lipunan sa Pilipinas para doon.

“And since hindi pa handa, ‘yung mga taong nakapaligid sa amin para unawain ‘yung ganoong sitwasyon ay ayokong iparanas sa bata, ‘yung hirap na lumalaki siya at iniisip niya kung ano ang isasagot niya sa magtatanong kung bakit ang tatay mo ay bakla,” dagdag pa niya.

q q q

Mag-iiba na ang ikot ng mundo ng mga karakter sa hit action serye na La Luna Sangre matapos ang kaliwa’t kanang mga rebelasyon nitong nakaraang linggo, kabilang ang tunay na katauhan ng lalaking may sumpang tinta.

Mas naging malinaw na nga kay Jethro (Dino Imperial) na si Tristan (Daniel Padilla), at hindi si Sandrino (Richard Gutierrez), ang tinutukoy sa nakita niyang propesiya. Dahil dito, nakaamba pala na maging magkaaway sina Tristan at Malia (Kathryn Bernardo) na kakaamin lang ng nararamdaman nila para sa isa’t isa.

Samantala, ibinunyag na rin ni Sandrino ang isa pang pasabog na rebelasyon na ka-patid niya si Tristan.

Mahimok niya kaya si Tristan na sumapi sa kanyang plano na pagharian ang mundo? Paano tatanggapin ni Malia na si Tristan ang lalaking may sumpang tinta? Tatanggapin na lang ba nila ang nakatakda o lalabanan nila ito sa ngalan ng pag-ibig?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending