Praning Queen: Duderang aktres walang tiwala sa asawang aktor | Bandera

Praning Queen: Duderang aktres walang tiwala sa asawang aktor

Cristy Fermin |December 11,2017
facebook
share this

Praning Queen: Duderang aktres walang tiwala sa asawang aktor

Cristy Fermin - December 11, 2017 - 12:15 AM

ISANG gabi ay pinagpistahan sa isang malaking umpukan ng mga miron kung bakit patuloy pa rin ang pagiging praning ng isang pamosong female personality tungkol sa kanyang karelasyon?

Sobrang selosa ng babae, meron lang siyang mabalitaang nakikipaglapit sa kanyang mister ay sobra-sobra na ang kanyang reaksiyon, sugod na agad mga kapatid!

May ilang impormante sa malaking umpukang ‘yun na nagsasabing mabilis daw kasing matukso ang lalaki, konting lambutsing lang ng kahit sinong babae ay agad na itong bumibigay, alam daw ‘yun ng kanyang misis.

Komento ng isang miron, “Kaya kita n’yo, kahit wala naman siyang ebidensiya, e, panay-panay agad ang selos niya! Nakakaloka siya, may mga pagkakataon pa ngang nanunugod siya, di ba?

“Wala siyang tiwala sa sarili niya, kaya wala rin siyang tiwala sa mister niya, ganu’n lang naman ‘yun, di ba? Mabilis siyang maniwala sa mga chika, wala pa nga siyang hawak na ebidensiya, e, kung anu-ano na ang ginagawa niya!” sabi ng unang miron.

Nag-aalala ang magkakaumpukan na baka isang araw ay mabalitaan na lang ng buong bayan na nilayasan na pala ng aktor ang kanyang duderang misis. Puwede raw mangyari ‘yun kapag punumpuno na si mister sa kanyang misis.

Sabi naman ng ikalawang miron, “Ang unang-una niyang dapat gawin, e, ang magtiwala sa sarili niya. Kapag meron na siya nu’n, e, mabibigyan na rin niya ng tiwala ang asawa niya!

“Huwag kasing aning-aning! May mabalitaan lang siya, e, agad nang kukulot ang buhok niya, manunugod na siya agad! Naku, tandaan niya, siya mismo ang nagbibigay ng kalayaan sa mister niya na lumayas na sa poder niya!

“Siya ang nagbibigay ng reason para bigyan siya ng leksiyon ng mister niya! Kailangan na kasi siyang matuto, hindi banat na lang nang banat, kahit wala pa naman siyang napapatunayan.

“Aaaaawwww!!!! Kilalang-kilala n’yo na kung sino ang duderang babaeng ito, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio. May iba pa ba?” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending