Pak na pak: Super Tekla kailangang panindigan ang kabaklaan para kumita ng pera | Bandera

Pak na pak: Super Tekla kailangang panindigan ang kabaklaan para kumita ng pera

Cristy Fermin |December 11,2017
facebook
share this

Pak na pak: Super Tekla kailangang panindigan ang kabaklaan para kumita ng pera

Cristy Fermin - December 11, 2017 - 12:30 AM

SUPER TEKLA

ANG galing namang magbakla-baklaan ng komedyanteng si Super Tekla. Nu’ng napapanood pa namin siya sa Wowowin ay isang daang porsiyento kaming naniwala na isa siyang becki. Bukod kasi sa malamya niyang kilos at pananalita ay nagdadamit-babae pa siya.

Becking-becki si Super Tekla, hanggang sa maba-litaan namin na inatake siya ng depresyon dahil sa paghihiwalay nila ng kanyang girlfriend. Lalaki pala siya?

Ngayon ay naniniwala na kami na ginagawa lang ni Super Tekla ang pagbabading-badingan dahil gusto niyang kumita. Pusong-lalaki ang komedyante, brusko siya, kailangan lang niyang magpanggap para sa kanyang pangkabuhayan showcase.

Natutukan namin siya sa Magpakailanman nu’ng isang gabi. Hindi lang siya magaling sa pagkokomedya, aktor din si Super Tekla, dahil ramdam na ramdam ng manonood ang kanyang sinserong pagdadrama.

Magaling siyang umarte, natural na natural, ang galing pa naman ng gumanap niyang misis sa episode, si Gladys Reyes, na tunay na aktres sa kahit anong papel na gampanan nito.

Sa istoryang binigyang-buhay niya ay hindi si Super Tekla na becking-becki ang dating ang napanood namin kundi isang bruskong lalaking nakikipaglaban para sa kanyang karapatan at kaligayahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending