Ikaw na talaga: Jennylyn jackpot na sa lovelife, swerte pa sa career | Bandera

Ikaw na talaga: Jennylyn jackpot na sa lovelife, swerte pa sa career

Ervin Santiago |December 11,2017
facebook
share this

Ikaw na talaga: Jennylyn jackpot na sa lovelife, swerte pa sa career

Ervin Santiago - December 11, 2017 - 12:15 AM

 

JENNYLYN MERCADO AT DENNIS TRILLO

MAGKASAMA sa Pasko ang magdyowang sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo. Ayon sa Kapuso Ultimate Star sa bahay daw nila magno-Noche Buena si Dennis kasama ang pamilya nito.

Sa mismong araw naman ng Pasko, sa bahay naman ni Dennis pupunta si Jen kasama ang anak na si Jazz at ang tatay niyang si Noli Pineda.

“Masarap na may mga extended family ka, di ba? Happy naman ako na nandito na ang tatay ko at kasama na namin sa bahay. The more the merrier, di ba?” ani Jennylyn nang nakachika ng mga reporter sa nakaraang grand presscon ng “All Of You”, isa rin sa mga official entry sa MMFF 2017. Muli niyang makakasama rito si Derek Ramsay.

“Thankful tayo for the blessings ng taong ito. Hindi lang professionally, pati personal, di ba?

“May nagtanong nga sa akin kung bakit ang suwerte ko. Parang nasa akin na raw ang lahat,” natatawang chika pa ng romcom queen.

In fairness, talagang inuulan ng blessings ngayon si Jen. Hindi totoo ang paniniwala ng marami sa showbiz na kapag makulay ang lovelife ng isang artista ay nganga ang career.

Pero sa itinatakbo ng buhay ngayon ni Jen, pareho siyang maswerte sa career at lovelife. So, ikaw na talaga Jen! Ikaw na ang pinagpala!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending