Paulo tumahimik ang buhay dahil sa non-shwbiz gf; natagpuan na ang 'reyna' | Bandera

Paulo tumahimik ang buhay dahil sa non-shwbiz gf; natagpuan na ang ‘reyna’

Ervin Santiago |December 11,2017
facebook
share this

Paulo tumahimik ang buhay dahil sa non-shwbiz gf; natagpuan na ang ‘reyna’

Ervin Santiago - December 11, 2017 - 12:20 AM

 

KITANG-KITA sa aura ni Paulo Avelino ang kaligayahan nang humarap sa entertainment media pagkatapos ng press/celebrity screening ng 2017 MMFF entry na “Ang Larawan”.

Siyempre, bukod sa maganda pa ring career sa showbiz ay super happy din ang kanyang lovelife. Going strong pa rin ang relasyon nila ng kanyang Filipino-Australian girlfriend na si Jodie Elizabeth Tarasek.

Sinisiguro raw nila na kahit super busy sila sa kani-kanilang career ay nabibigyan pa rin nila ng quality time ang isa’t isa.

“We’re okay, ayos naman. Pero ngayon lang, time of the year na sobrang busy, pero sinusubukan gumawa ng paraan kung kaya,” sey ng aktor sa panayam ng press.

Wala pa raw silang plano para sa darating na Pasko dahil baka raw out of the country si Jodie.

Matipid pa rin ang aktor sa pagbabahagi sa press ng mga detalye tungkol sa kanyang lovelife, at mas okay na raw yun para iwas tsismis at intriga. Hindi rin sila gaanong nagpo-post ng pictures sa social media kahit madalas silang mag-travel.

Mas tahimik din daw ang personal niyang buhay ngayon dahil non-showbiz ang kanyang dyowa, “For me mas madali (pag hindi taga-showbiz). Basta happy ako, sobrang happy.”

Kamakailan, mara-ming kinilig sa IG post ni Jodi kung saan makikita ang litrato ni Paulo. Sa caption nito tinawag ni Jodie si Paulo na “My King.” So, alam na! Nakita na nga siguro ni Pau ang kanyang reyna!

Samantala, proud na proud naman si Paulo sa bagong pelikula niyang “Ang Larawan”, isang period musical drama, na mapalad na napasama sa Magic 8 ng 2017 MMFF.

Puro papuri ang tinanggap ni Paulo mula sa members ng media na nakapanood na ng movie sa ginanap na special screening recently. Siya ang love interest ng karakter ni Rachel Alejandro sa kuwento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Highly-recommended namin ang pelikula sa mga manonood come Dec. 25 dahil napakaganda ng pagkakagawa nito.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending