Bridal team napahiya sa panglalaglag ni Ai Ai, kumuha ng bagong wedding planner | Bandera

Bridal team napahiya sa panglalaglag ni Ai Ai, kumuha ng bagong wedding planner

Ronnie Carrasco III |December 11,2017
facebook
share this

Bridal team napahiya sa panglalaglag ni Ai Ai, kumuha ng bagong wedding planner

Ronnie Carrasco III - December 11, 2017 - 12:20 AM

AI AI DELAS ALAS AT GERALD SIBAYAN

BABASBASAN na bukas ang pagsasama nina Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan as they exchange “I do’s.”

No protesters on either side are expected to spoil the wedding, pareho naman kasi silang walang sabit.

‘Yun nga lang, hindi maitago ng isang team of wedding specialists ang kanilang panghihinayang that they’re not part of the much-awaited affair.

Kung tawagin ang pangkat na ito’y Team ShutterSteve na minsan na naming naisulat dito dahil sa kanilang taunang bridal fair. This is the same efficient team sa likod ng matagumpay na Papal ceremonies na itinaon sa kaarawan ni Ai Ai last year.

Dahil nga sa maayos na pangangasiwa ng nasabing team ay ito ang napisil ni Ai Ai to be at the helm ng gaganapin nga nilang kasal ni Gerald. Last minute, however, ay ibang grupo na raw ang kinontak ng komedyana gayong inaasahan na ng mga miyembro nito ang salitang binitiwan ni Ai Ai.

Natural, napahiya ang pangunahing miyembro ng team na may direct access kay Ai Ai, problema niya kung paanong ipaliliwanag sa kanyang mga kagrupo that they were junked nang hindi naman ipinaalam ni Ai Ai ang kanyang dahilan.

But of course, it’s the would be-bride’s call. Kara-patan niyang kunin ang mga taong mamamahala ng pag-iisang-dibdib nila ni Gerald.

We have yet to speak to the team leader kung kasama ba ito sa inimbitahan sa kasal. At kung invited man, we aren’t sure if he’ll show up tomorrow.

One thing’s for certain, nalamatan na raw ang kanilang pagkakaibigan na bumilang na nang halos tatlong dekada.

Only to see that friendship vanish into thin air.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending