Ang karelasyon tomboy na ba ang makakatuluyan? (2) | Bandera

Ang karelasyon tomboy na ba ang makakatuluyan? (2)

|December 11,2017
facebook
share this

Ang karelasyon tomboy na ba ang makakatuluyan? (2)

- December 11, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Althea ng San Vicente, Balocor, Pampanga
Problema:
1. May karelasyon po ako sa ngayon kaya lang tomboy siya kaya tutol ang mga magulang ko sa kanya, pero nagmamahalan naman po kami. Actually magtu-two years na ang aming relasyon sa darating na December 25 at maligaya naman ako sa piling nya. Ang itatanong ko lang ay kung kami na po ba talaga ang magsasama habang buhay kahit na tutol ang mga magulang ko sa kanya?
2. At kung ako lang kaya talaga ang kaisa-isang babae sa buhay nya, kasi minsan nahuli ko siyang may ka-text mate at sabi nya sa akin kaibigan nya lang daw iyon. Totoo kayang kaibigan nya lang ang mga ka-text mate nya at hindi kaya dumating ang araw na ipagpalit nya rin ako sa iba? November 12, 1993 ang birthday ko at October 27, 1992 naman ang ka-relasyon ko.
Umaasa,
Althea ng Pampanga
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) at nagkataong Scorpio din ang karelasyon mo ay nagpapatunay lamang na kayo na nga ang nakatakdang magsasama habang buhay, dahil ang parehong Scorpio ay sadyang tugma at compatible sa isat-isa.
Numerology:
Ang birth date mong 12 at 27 naman ang karelasyon mo ay nagsasabing sadya ngang tugma ang inyong kapalaran at tadhana. Ibig sabihin hadla-ngan man ng lipunan ang inyong samahan at tumutol man ang iyong mga magulang, sa bandang huli wala din silang magagawa, sapagkat tulad ng nasabi na, kayo na nga ang itinakda ng kapalaran upang magsama habang buhay.
Graphology:
Ang lagda mong maraming bilog at bukod sa maraming bilog ay may malaki ding bilog sa ilalim na bahagi ay nagsasabing hindi ka nga makakaiwas sa isang hindi normal na relasyon at ang hindi normal na relasyong iyan ay magiging pang habang buhay na.
Huling payo at paalala:
Althea ayon sa iyong kapalaran, ano’t-anuman ang mangyari marami mang tumutol o tahasang hindi talaga sasang-ayon sa inyong pagmamahalan, tiyak ang magaganap, wala silang magagawa sapagkat sa susunod na taong 2018 sa edad mong 24 pataas at 25 naman ang karelasyon mo, kahit sabihin pang pareho kayong babae, kayo na nga ang magkakatuluyan at habang buhay na magsasama sa pagbuo ng isang medyo hindi normal pero maligayang pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending