Bossing mas bumata, yummy pa rin: Magaling kasing mag-alaga si misis! | Bandera

Bossing mas bumata, yummy pa rin: Magaling kasing mag-alaga si misis!

Ambet Nabus |December 10,2017
facebook
share this

Bossing mas bumata, yummy pa rin: Magaling kasing mag-alaga si misis!

Ambet Nabus - December 10, 2017 - 12:30 AM

VIC SOTTO AT PAULEEN LUNA

NAKORNER at nakachika namin si bosing Vic Sotto after the presscon of “Meant To Beh”, ang entry nila sa 2017 MMFF

Napangiti lang ang TV host-comedian nang tanungin namin kung nag-e-expect siyang maging number one uli sa box-office ang kanilang pelikula tulad ng mga past entries niya sa taunang festival.

“Lahat naman iyan ang gusto. Pero at the end of the day, ang mga manonood pa rin ang magde-decide.

This time, proud lang kami sa kinalabasan ng aming entry. Ibang-iba ito sa mga dati ko nang nagawa at sure naman akong tatangkiliin ito ng mga tao,” sagot sa amin ni Bossing.

Kung meron man siyang nami-miss sa pestibal ay yung makasabay ang mga entries nina Sen. Bong Revilla, Ai Ai delas Alas at iba pang mga “suki” na ng MMFF,
“But we should always welcome yung mga bago. Para sa mga kababayan natin ang mga pelikulang kasali kaya’t sana suportahan nilang lahat,” hirit pa ni komedyante.

At dahil sa bandang South nga sila nakatira ngayon ng asawang si Pauleen Luna, tuwang-tuwa si Bossing nang malamang sa Muntinlupa magaganap ang 2017 MMFF Parade Of Stars.

Mas mukhang bata sa kanyang real age ang magaling na TV host-actor-producer at siyempre pa’y binibigyan niya ng credit ang pagkakaroon ng maasikaso at mabait na misis, idagdag pa ang pagkakaroon ng bagong baby sa kanilang bahay.

Speaking of Pauleen, proud na proud na ibinahagi ni Bossing na very hands on ang asawa sa pag-aalaga sa kanilang anak.

Nagbi-breast feed din daw si Poleng lalo pa’t halos oras-oras kung magutom ang baby, “It’s a new experience. Kahit sabihin pang nasanay na ako sa mga una kong anak, iba pa rin talaga ang presence ng baby sa house. Mahirap i-explain. Basta iba ang saya at gaan lang ng feeling kahit may mga challenges,” sey pa nito.

q q q

May ilang mga kasamahan sa industriya na medyo na-turn off kay Jane Oineza nang late na itong dumating sa presscon ng “Haunted Forest.”

Hindi tinanggap ng lahat ang excuse nitong na-traffic siya dahil wala na ngang lugar sa Metro Manila ang hindi traffic.

Pero nang kumanta si Jane bago simulan ang presscon, marami naman ang natuwa dahil maganda rin pala ang boses nito.

Bawing-bawi si Jane sa maganda rin niyang mga sagot sa tanong during the Q&A lalo pa’t siya itong lumalabas na pinakabida sa movie kasama sina Maris Racal, Jon Lucas at ang baby naming si Jameson Blake.

Sa trailer din ng “Haunted Forest” ay si Jane ang bidang-bida kaya siguradong hindi ito palalagpasin ng kanyang mga fans na matagal nang naghihintay na mapanood sa big screen ang dalaga.

Basta kami, bukod kina Mother at Roselle, dahil kay Hashtag Jon Lucas at sa award-winning actor at baby naming si Jameson Blake panonoorin talaga namin ang obra ni direk Ian Lorenos come Dec. 25.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending