Alden tahimik na nag-celebrate ng 7th anniversary sa showbiz | Bandera

Alden tahimik na nag-celebrate ng 7th anniversary sa showbiz

Jun Nardo |December 10,2017
facebook
share this

Alden tahimik na nag-celebrate ng 7th anniversary sa showbiz

Jun Nardo - December 10, 2017 - 12:25 AM

ALDEN RICHARDS

TAHIMIK lang na isinelebreyt ni Alden Richards ang 7th anniversary niya sa showbiz last Dec. 8. Tuloy pa rin ang trabaho niya kahit na nga nagsosolo muna siya pansamantala sa Eat Bulaga.

Feast of Immaculate Concepcion nu’ng Dec. 8 kaya malaking dahilan ‘yon para laging manguna ang Diyos kay Alden. Ilang taon din kasi siyang nagtiyaga sa showbiz bago nakamit ang stardom.

Alam naman nating lahat na nu’ng pumasok sa showbiz, ang mapagbigyan ang hiling ng yumaong ina ang malaking factor sa pagiging artista niya. So kahit may nagtataas ng kilay sa kanya sa mga unang taon niya sa showbiz, nagtiis, nagtrabaho at nakamit ang suwerte!

Kaya naman may naipatayo na siyang sariling bahay para sa pamilya at mabenta pa rin siya until now sa live shows at TV commercials.

Mahal ni Alden ang showbiz kaya hinding-hindi niya ito iiwan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending