Aktres inilihim sa BF na celebrity ang pagbebenta ng katawan noon | Bandera

Aktres inilihim sa BF na celebrity ang pagbebenta ng katawan noon

Cristy Fermin |December 10,2017
facebook
share this

Aktres inilihim sa BF na celebrity ang pagbebenta ng katawan noon

Cristy Fermin - December 10, 2017 - 12:15 AM

WALANG kaalam-alam ang isang male personality na kapag magkasama sila ng kanyang girlfriend na aktres ay ang dami-daming kuwentong lumulutang.

Matagal-tagal na rin naman sila, maganda ang takbo ng kanilang relasyon, mukhang tanggap naman sila ng kani-kanilang pamilya. Walang problema sa kanilang relasyon.

Pero mukhang ang namomroblema ay ang kanilang mga kaibigan, lalo na ang mga nakakakilala sa aktres mula ulo hanggang paa, marami kunong hindi alam ang male personality tungkol sa kanyang karelasyon.

Kuwento ng aming source, “Nagsabi kaya ng totoo ang girl sa boyfriend niya bago lumalim ang relasyon nila? Inamin niya kaya ang nakaraan niyang mukhang mahirap tanggapin ng isang lalaki?

“Naku, sana nga, e, ganu’n ang nangyari. Baka kasi sila magkahiwalay kapag sa ibang tao pa malaman ng male personality ang laman ng baul ng girl!

“E, hindi naman maitatago ‘yun, maraming nakakaalam tungkol sa dating ginagawa ng girl, di ba? Nakakaalarma lang na baka sa ibang bibig pa ‘yun marinig ng lalaki, siguradong sa hiwalayan sila mauuwi,” nag-aalalang komento ng aming impormante.

Maraming Boogie Wonderland ang nakakaalam tungkol sa nakaraan ng girl na madalas magbenta ng karneng buhay sa mayayamang kalalakihan.

Isang babaeng personalidad na contact ng mga artistang gustong kumita nang mabilisan ang nakakaalam ng kuwento tungkol sa aktres. Nag-aalala ito na baka kapag nalaman ‘yun ng kanyang boyfriend ay bigla na lang itong manglamig at tuluyan na nitong talikuran ang aktres.

“Yun ang pinag-uusapan nilang magkakaibigan na dating Boogie Wonderland ng girl. Malakas siyang kumita nu’n. Gabi-gabi yata, e, meron siyang parukyano.

“Paano raw kapag nalaman ng guy na lumalakad pala siya nang walang ulo? Pinagtatawanan pala siya ng mga nakakaalam ng past ng girl? Sana nga, e, tunay na pagmamahal ang meron ang lalaki sa babae.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“E, paano kung hindi naman pala? E, di sa hiwalayan din mauuwi ang relasyon nila? Naku, ang pamilya pa naman ng lalaki, magugulo ang takbo ng utak nila!

“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo kung sino ang cute na girl na ito, kayo pa ba naman ang mapagtataguan ng kuwento ng kanyang buhay?” pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending