Aljur kailangan nang umaksyon para mapalambot ang puso ni Robin | Bandera

Aljur kailangan nang umaksyon para mapalambot ang puso ni Robin

|December 10,2017
facebook
share this

Aljur kailangan nang umaksyon para mapalambot ang puso ni Robin

- December 10, 2017 - 12:05 AM

 

TALAGANG pinaglalaanan ng oras ni Robin Padilla ang kanyang apo kay Kylie Padilla na si Baby Alas.

Mas naging close pa raw ngayon ang maglolo ayon kay Kylie.

Unang na-meet ni Binoe si Baby Alas sa birthday party ng anak ni Mariel Rodriguez na si Maria Isabella last month. Wala naman ang tatay ni Baby Alas na si Aljur Abrenica sa nasabing event.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Kylie ng litrato nina Robin at Baby Alas na kuha sa isang kasalan na may caption na: “The grandfather!” Libu-libong netizens ang nag-like at nagkomento sa nasabing photo at karamihan ay puro papuri kay Robin.

Ang tanong na lang kailan kaya matatanggap ni Binoe si Aljur para kay Kylie? Siguro dapat nang gumawa ng aksyon si Aljur para tuluyan nang magiba ang pader sa pagitan nila ng lolo ni Alas.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending