Sylvia katabi sa pagtulog ang AnakTV award para sa 'Greatest Love' | Bandera

Sylvia katabi sa pagtulog ang AnakTV award para sa ‘Greatest Love’

Reggee Bonoan |December 10,2017
facebook
share this

Sylvia katabi sa pagtulog ang AnakTV award para sa ‘Greatest Love’

Reggee Bonoan - December 10, 2017 - 12:30 AM

GRABE talaga ang energy ng lead actress ng seryeng Hanggang Saan na si Sylvia Sanchez.

Lumipad siya patungong Davao City nitong Huwebes para sa ginanap na Beautederm Ambassadors Fashion show for a Cause kasama si Matt Evans at may-ari ng Beautederm na si Rei Ramos Anicoche Tan.

Bumalik siya ng Manila Biyernes ng madaling araw at natulog lang ng dalawang oras saka dumalo sa Makabata Anak TV Awards na ginanap sa SGI Phillipines Headquarters sa Timog kung saan tumanggap siya ng tropeo para sa seryeng The Greatest Love.

Nag-post si Ibyang ng kanyang litrato sa Instagram kung saan makikitang katabi niya sa pagtulog ang kanyang award at may caption na: “Maraming salamat #AnakTVAwards2017 for the Anak TV Seal and Makabata Award. Happy morning.”

Sa sobrang pagod ay nakatulog agad pagdating ng bahay ang aktres kaya hindi na nagawang magtanggal ng make-up. Hindi niya alam na kinunan pala siya ng asawang si Art Atayde habang natutulog at itinabi ang award sa kanya na may caption na, “This is what happens after you get a prestigious award. Congrats to my wife.”

Sabado ng madaling araw ay lumipad naman si Sylvia kasama ang dalawang anak na sina Gela at Xavi Atayde patungong Nasipit, Agusan del Norte para sa importanteng bagay na kailangan niyang personal na asikasuhin at sabay dalaw na rin sa ina at mga kapatid at pamangkin. Pagbalik niya sa Maynila ay magpapahinga sandali saka didiretso sa taping ng Hanggang Saan.

Mapapanood ang bagong serte ni Ibyang kasama sina Arjo Atayde, Sue Ramirez, Ariel Rivera at marami pang iba sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN pagkatapos ng Pusong Ligaw.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending