Ruru umamin sa tunay na relasyon nila ni Gabbi: Naniniwala po kami sa destiny! | Bandera

Ruru umamin sa tunay na relasyon nila ni Gabbi: Naniniwala po kami sa destiny!

Reggee Bonoan |December 09,2017
facebook
share this

Ruru umamin sa tunay na relasyon nila ni Gabbi: Naniniwala po kami sa destiny!

Reggee Bonoan - December 09, 2017 - 12:20 AM


UNANG beses naming nakatsikahan si Ruru Madrid na nanalong Best Actor sa 31st PMPC Star Awards for TV para sa programang Encantadia sa thanksgiving party ng Production 56, ang talent managent ni direk Maryo J delos Reyes.

Ang nasabing event ay pinangunahan ng prime talent ni direk Maryo, ang award-winning actor na si Cong. Yul Servo-Nieto.

Bago ang pa-thanksgiving ng talent management ni direk Maryo, nakausap na rin namin si Ruru sa grand presscon ng pelikulang “Meant To Beh”, ang official entry nina Vic Sotto at Dawn Zulueta sa 2017 Metro Manila Film Festival mula sa M-Zet Productions, OctoArts Films at APT Entertainment na idinirek ni Chris Martinez.

Ayon kay Ruru, sobrang blessed siya ngayong 2017 dahil napakarami niyang nagawang projects bukod pa sa nakuha niyang acting award. Pinasalamatan din niya ang kapatid niya sa Production 56 na si Cong. Yul dahil sa magarbong pa-party sa entertainment media.

Sa nasabing event ay natanong si Ruru kung ano na ba talaga ang real score sa kanila ni Gabbi Garcia na kasama rin niya sa “Meant To Beh.”

“We’re just close friends po, siguro hindi pa ito ‘yung tamang panahon at kami ay naniniwala naman sa destiny na kung kami, kami talaga. Marami pa kaming priorities sa buhay na dapat unahin.

“Like for example, family namin, gusto ko ma-settle muna sila, ibibigay ko kung ano ‘yung mga pangarap nila sa buhay and of course itong bagong soap na ibibigay sa akin, kailangan kong paghandaan talaga, saka na po ‘yun (lovelife), darating din ‘yung tamang panahon.

“Kung may ibang manligaw (kay Gabbi), wala po akong magagawa. At naniniwala rin naman ako kay Gabbi na siya rin ay may ibang priorities din sa buhay,” aniya pa.

Single pa rin ngayon ang aktor at tulad nga ng sinabi niya, trabaho muna ang kanyang uunahin lalo na’t sa 2018 na magsisimula ang bagong serye niyang Sherlock Jr, isang legal drama, kasama nga sina Gabbi, Ai Ai delas Alas, Andre Paras, Janine Gutierrez, Kate Valdez, Alyanna Asistio, Sharmaine Arnaiz, Roi Vinzon, Matt Evans, mula sa GMA 7.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending