Marian kinampihan si Neri Naig sa pagpapadede in public: Basta para sa anak mo, gagawin mo! | Bandera

Marian kinampihan si Neri Naig sa pagpapadede in public: Basta para sa anak mo, gagawin mo!

Jun Nardo |December 09,2017
facebook
share this

Marian kinampihan si Neri Naig sa pagpapadede in public: Basta para sa anak mo, gagawin mo!

Jun Nardo - December 09, 2017 - 12:15 AM


INAYUDAHAN ni Marian Rivera ang post ni Neri Naig, asawa ni Chito Miranda ng bandang Parokya ni Edgar, kaugnay sa pagpapasuso ng anak sa publiko.

May mga nagtaas ng kilay sa ginawa niyang ito pero dumepensa siya na hindi ito masamang gawin lalo na kung gutom na ang anak.

Isa sa adbokasiya ni Marian ang breastfeeding. Kaya naman nag-post ang bida ng Super Ma’am sa Instagram niya ng, “Basta para sa anak mo, lahat gagawin mo, anak natin ang mahalaga higit sa lahat.”

Ilang beses nang ginawa ni Yan Yan ang pagpapadede sa anak na si Zia sa publiko nu’ng ilang buwan pa ang bata. Wala siyang pakialam dahil may proteksyon naman siyang balabal para hindi masilip ang boobs niya habang nagpapasuso.

Anyway, tumanggap kahapon si Marian ng award mula sa AnakTV, ang AnakTV Makabata. Bukod sa kanya, binigyan din ng nasabing parangal si Maine Mendoza.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending