Joshua plakado ang akting at pagsasalita ni John Lloyd | Bandera

Joshua plakado ang akting at pagsasalita ni John Lloyd

Cristy Fermin |December 09,2017
facebook
share this

Joshua plakado ang akting at pagsasalita ni John Lloyd

Cristy Fermin - December 09, 2017 - 12:05 AM

KONTING-KONTING hagod na lang at kayang-kaya nang makipagsabayan ni Joshua Garcia sa pag-arte sa mga dinatnan niyang magagaling na aktor ng kasalukuyang panahon.

Ipinanganak talaga para maging artista ang young actor, pang-artista talaga ang kanyang mga mata na kahit walang dialogue ay nagsasalita, kaya maraming nagsasabing ang yapak ni John Lloyd Cruz ang kanyang tinatahak.

Sabi ng isang kaibigan namin habang tinututukan namin ang The Good Son kung saan bumibida si Joshua Garcia, “Sis, pumikit ka lang, huwag mo siyang tingnan. Maliligaw ka, aakalain mong si John Lloyd ang nagsasalita!

“Plakado niya ang pagbibitiw ng mga linya ni JLC, napakagandang magkasama sila sa isang movie na magkapatid ang gagampanan nilang papel. Pareho silang guwapo, parehong magaling umarte,” pagpuna ng aming kaibigan.

At mula nang ipanganak ang The Good Son ay sinubaybayan na namin si Joshua Garcia. Hindi kami masyadong interesado sa lovelife nila ni Julia Barretto, ang mas pinahahalagahan namin ay ang talento ng baguhang aktor, dahil nakapagtatawid siya ng dialogue kahit sa mga eksenang wala naman siyang ginagamit kundi ang mga mata lang niya.

Paminsan-minsan talaga, sa dinami-dami ng mga nagtatangkang kabataan para maging artista, ay makakatagpo tayo ng gintong ani.

‘Yun si Joshua Garcia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending