Derek gusto nang magpakasal: Handa na rin akong magkaroon ng pamilya! | Bandera

Derek gusto nang magpakasal: Handa na rin akong magkaroon ng pamilya!

Ambet Nabus |December 08,2017
facebook
share this

Derek gusto nang magpakasal: Handa na rin akong magkaroon ng pamilya!

Ambet Nabus - December 08, 2017 - 01:10 AM

DEREK RAMSAY AT JOANNE VILLABLANCA

“I’M just waiting for the right time!” Ito ang nabanggit ni papa Derek Ramsay sa amin nang tanungin namin kung handa na siyang pakasalan ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Joanne Villablanca.

Sa presscon ng bagong pelikula ni Derek na “All Of You”, na kasali sa 2017 MMFF isa sa mga napag-usapan ang tungkol sa kasal. Ito kasi ang tema ng kanilang reunion movie ni Jennylyn Mercado bukod sa isyu ng pakikipag-live in.

Ayon sa yummy hunk actor, matagal na siyang ready na mag-asawa, pero aniya, “We’re taking one step at a time. Pinagpaplanuhan iyan, but to answer the question kung ready na akong magkaroon ng sariling pamilya, yes I am.”

Ibinahagi pa ni Papa D na sobra siyang naka-relate sa karakter niya sa “All Of You” bilang isang lalaking nakipag-live-in na may mga agam-agam sa papapakasal.

Pinagdaanan din daw kasi niya ito noon bilang isang lalaki, kaya naman proud niyang sinasabi ngayon na mas natuto siyang kilalanin at unawain ang mga babae, plus ang pagtanggap sa katotohanang isang big step sa buhay ng isang tao ang pagpapakaasl at pagpapamilya dahil aniya, “It’s indeed a lifetime commitment.”

Hinuhulaang isa ang “All Of You” sa walong MMFF entries na pag-uusapan hindi lang sa pagtabo sa takilya kundi maging sa awards night tulad ng naunang pagtatambal nina Derek at Jennylyn sa MMFF entry din nilang “English Only Please” noong 2015.

But for both papa D and Jen, “Mas gusto siyempre namin ang box-office success, dahil it means na nagustuhan ng manonood ang ginawa namin.”

Hindi na rin kami magtataka kung parehong manalo ng acting award sina Jennylyn at Derek para sa kanilang MMFF entry dahil subok na rin naman ang galing ng mga ito pagdating sa pagpapakilig at pagdadrama.

Yun na!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending