Batang nabakunahan ng Dengvaxia tinamaan ng severe dengue

December 07,2017
share this

Batang nabakunahan ng Dengvaxia tinamaan ng severe dengue

December 07,2017
share this

INIIMBESTIGAHAN na ng Department of Health (DOH) ang kaso ng 12-anyos na batang na tinamaan ng severe dengue matapos mabakunahan ng kontrobersiyal na Dengvaxia vaccine.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na natanggap siya ng ulat mula sa isang ospital sa Pampanga na nakatanggap ang bata ng bakuna ng tatlong beses, noong Marso 2016, Oktubre 2016 at Agosto 2017.
“Sinasabi ng Sanofi magbibigay ng proteksyon itong vaccine for more or less 30 months kaso nakita natin ito mga 20 months lang,” sabi ni Duque.
Noong isang linggo, sinuspinde ng gobyerno ang dengue immunization program para sa mga paaralan matapos sabihin ng Sanofi Pasteur na posibleng makaranas ng severe dengue ang indibidwal na binigyan ng dengue vaccine, na hindi pa nagkakaroon ng dengue.
“Nabigyan siya ng proteksyon pero nung nakagat nagkaroon ng symptoms ng dengue. Sabi nila severe dengue with hypertension bradycardia,” sabi ni Duque.
Nakarekober na ang batang naospitl sa JB Lingad Hospital sa Pampanga. Inaalam na ng mga opisyal ang rekord ng bata.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending