Vic sa AlDub: Forever na ‘yan, hindi na mawawala!

By Jun Nardo December 07,2017
share this

Vic sa AlDub: Forever na ‘yan, hindi na mawawala!

By Jun Nardo December 07,2017
share this


BAKASYON ang alam na dahilan ni Vic Sotto kaya hindi nakikita ngayon sa Eat Bulaga si Maine Mendoza.

Bihira rin kasi silang magkita ng Phenomenal Star kaya wala siyang alam kung totoong may pinagdaraanan ngayon ang dalaga.

“Once a week lang kaming nagkikita, pag Saturday most of the time kasi ay nasa barangay siya, kaya personally, wala akong nararamdaman,” pahayag ni Vic nang makausap ng press sa grand presscon ng festival movie niyang “Meant To Beh” last Tuesday.

Itinanggi rin ni Bossing na suspendido sa noontime show si Meng dahil sa paglalabas niya ng opinion sa kanyang blog.

“Definitely not! Bakit naman siya isususpinde ng TAPE, ng Eat Bulaga? Lalo na kay Mr. (Tony) Tuviera (EB producer), respetado niya ang opinion, pag-iisip at anumang pinagdadaanan ng bawat kasama namin sa Dabarkads,” rason ni Bossing.

Balitang nasa Amerika ngayon si Maine at doon magpa-Pasko at Bagong Taon. Clueless din siya sa balitang naka-leave si Meng.

“Ang alam ko nakabakasyon siya. I’m not really in the know. I am not privy to anything na personal niyang desisyon. Kasi kung para sa akin, respetuhin na lang natin kung anuman ang mga issue niya, kung anuman ang pinagdaraanan niya.

“Siya lang ang nakakaalam doon. I’m not privy to anything personal pagdating sa kanya,” diin ng bagong Comedy King.

Ayon pa kay Bossing, abang-abang na lang daw tayo sa susunod na magaganap. Pagdating naman kasi sa hinaing ni Meng tungkol sa loveteams, “Yung loveteam na ‘yan, nandoon na ‘yon habang buhay. Hindi na naman talaga mawawala ‘yan,” ani Vic.

Samantala, reunion movie nila ni Dawn Zulueta ang kanilang MMFF 2017 entry after 20 years. Ayon kay Dawn sa dating kapareha, yummy pa rin ang dating ni Bossing!

Samantala, namayani pa rin si Meng bilang isa sa most tweeted celebrities ng Twitter Philippines ngayyong 2017 pati na ang loveteam nila ni Alden, ang AlDub at ang grupo ng fans nilang AlDub Nation.

q q q

Hindi na malulungkot ang fans nina Elmo Magalona at Janella Salvador dahil hindi man pinalad sa festival ang pelikula nilang “My Fairy Tail Love Story”, ikinakasa na ito ng Regal Entertainment bilang Valentine offering sa 2018.

Swak na swak sa playdate na ito ang pelikula dahil punumpuno ng kilig at pagmamahal ang kabuuan nito tungkol sa pag-iibigan ng isang normal na nilalang (Elmo) at pasaway na sirena (Janella). At least, ilang buwan na lang ang hihintayin ng ElNella fans at maiibsan na ang kasabikan nila sa kanilang mga idolo.

Ang horror movie naman na “The Haunted Forest” ang handog ng Regal ngayong Pasko. May bagong creature na mapapanood sa pelikula ng Regal Films na sa tuwina ay hindi nauubusan ng bagong konsepto sa paggawa ng horror movies.

Baguhan man ang mga bida rito na sina Jane Oineza, Jameson Blake, Maris Rascal at Jon Lucas, masisipag rin ang kani-kanilang fans sa social media upang ipahayag ang kasabikan nilang makita na ng publiko ang mananakot na si Sitsit!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending