Staff ng Wowowin sarap-buhay, laging karamay si Willie kapag may problema

By Cristy Fermin December 07,2017
share this

Staff ng Wowowin sarap-buhay, laging karamay si Willie kapag may problema

By Cristy Fermin December 07,2017
share this

WILLIE REVILLAME

PAGDATING sa pagiging maalaga sa kanyang mga katrabaho ay wala na sigurong makatatalo pa kay Willie Revillame.

Masarap siyang mag-alaga ng kanyang staff, palagi niyang binabalatuhan ang mga ito kapag may biyayang pumapasok sa kanyang bulsa, bukod pa sa pagsasama niya sa grupo sa kanyang mansiyon sa Tagaytay.

Kaya naman masayang-masaya palagi ang grupo, hindi nila ipagpapalit ang kanilang kuya sa kahit kanino, nag-iisa lang si Willie para sa kanila.

Sabi ng isang staff ng aktor-TV host, “Malakas ang pakiramdam niya, gumagana ‘yun palagi, nalalaman niya kapag problemado ka. Kahit walang nagsasabi sa kanya, malalaman at malalaman niya kapag may pinagdadaanan ka.

“Ipatatawag ka niya sa dressing room niya, kukumustahin ka. Maya-maya lang, alam na niya ang problema mo.

“Kasunod na nu’n ang pagtulong. Walang bayaran ‘yun, ha? Ganu’n katindi si kuya,” kuwento ng kanyang staff.

May mga pagkakataon din na bigla na lang tatawagin ni Willie ang kanyang staff, sasabihin niya, “O, may pumasok tayong endorsement, kailangang meron din kayo sa kung anumang tinatanggap ko.

Kaya palaging masaya sa set ng Wowowin, walang dahilan para sila malungkot, may palagi silang tagapagligtas sa problema sa katauhan ni Willie Revillame.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending