Bagong girlfriend ni Daniel kamukha ni Erich

December 07,2017
share this

Bagong girlfriend ni Daniel kamukha ni Erich

December 07,2017
share this

MARAMI ang nagsasabi na kamukha rin daw ni Erich Gonzales ang bagong girlfriend ni Daniel Matsunaga.

Tisay lang daw ang Polish model na si Karolina Pisarek pero kung titingnan mabuti ang kanyang feautures malaki ang pagkakahawig nito sa ex-girlfriend ni Daniel. Sa isang litrato nga na ipinost ni Daniel sa kanyang Instagram account, may followers siyang nagsabi na baka raw kaya siya na-in love kay Karolina ay dahil nakikita niya rin sa dalaga si Erich.

Samantala, sa presscon ng 2017 MMFF entry na “Meant To Beh” starring Dawn Zulueta and Vic Sotto, medyo umitim si Daniel dahil kagagaling lang nila ni Karolina sa Coron, Palawan kung saan nag-celebrate ng birthday ang Brazilian-Japanese actor.

Samantala, todo ang pasalamat ni Daniel kay Bossing Vic dahil isa siya sa mga napili para maging bahagi ng “Meant To Beh” cast. Napakasarap daw katrabaho nina Vic, Dawn at iba pang members ng cast at para lang silang naglalaro dahil super saya sa kanilang set.

Showing na sa Dec. 25 ang “Meant To Beh” kung saan makakasama rin sina Andrea Torres, Ruru Madrid, Gabbi Garcia, Sue Ramirez, JC Santos at marami pang iba. Ito’y sa direksyon ni Chris Martinez mula sa M-Zet Productions at OctoArts Films.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending