K-Drama actress sinorpresa si Heart sa taping ng ‘Jagiya’

December 07,2017
share this

K-Drama actress sinorpresa si Heart sa taping ng ‘Jagiya’

December 07,2017
share this


DUMALAW sa set ng top-rating GMA primetime series na My Korean Jagiya ang Korean actress na si Kim Hye Jin para makilala si Heart Evangelista.

May instant connection agad ang dalawa dahil pareho pala silang mahilig mag-paint. Niregaluhan pa ni Hye Jin ang Kapuso actress ng isang scarf na kanyang hinand-paint.

“We have a lot of things in common. I’m so excited so I hope they’ll go to my house for dinner. I will prepare dinner,” ayon kay Heart.

Si Hye Jin ay Korean model turned actress na napanood sa Korean series na Iris at historical drama na Dong Yi na ipinalabas sa GMA 7.

Nasa bansa siya ngayon para bisitahin ang Korean actor na si Andy Ryu na gumaganap sa My Korean Jagiya serye bilang si Gong Woo at siyempre para makilala na rin ang kanyang co-stars na sina Heart at Alexander Lee na nagsilbi na ring interpreter sa kanilang pagba-bonding.

Kuwento ni Alexander, sinabi ni Andy tungkol sa pagdalaw sa kanya ni Hye Jin, “[He’s] really happy that she [Kim Hye Jin] is visiting him [Andy Ryu] because as a Korean actor, having another Korean to support him in a foreign country really makes him feel good.”

Ayon naman daw kay Hye Jin, “It’s the first time she came here to the set, and she sees Heart for the first time. And she sees that they have many similarities, and also differences from Korea. But she’s really excited about everything in this experience.”

Bukod sa pagbisita sa taping ng MKG, magkakasama pa silang nanood ng pelikulang “Trip Ubusan” sa imbitasyon ni Direk Mark Reyes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending