‘Sobrang baho ng bunganga ni ER Ejercito! Dapat nang magmumog!’

By Ronnie Carrasco III December 07,2017
share this

‘Sobrang baho ng bunganga ni ER Ejercito! Dapat nang magmumog!’

By Ronnie Carrasco III December 07,2017
share this


KUNG tutuusi’y maaga pa para tipahin namin ang kolum na ito even if we’re used to beating early deadlines.

But we couldn’t wait any longer, para kasing tinubuan ng pinaghalong buni at galis ang aming middle finger sa kaliwang kamay (one-finger typing lang kami!) na kating-kati sa pagtipa.

Today’s banner story sa isang tabloid ang panlilibak na naman ng sinipang Gobernador ng Laguna and part-time B actor na si ER Ejercito laban kay ex-President Noynoy Aquino.

His first slur against PNoy was based on an interview several weeks ago, kung saan may pagtatangkang sinabi ni ER na babarilin niya sa ulo ang dating Pangulo should their paths cross.

At a recent rally kung saan ER had the spotlight all too himself before a rabid audience of DDS supporters, ipinagbunyi pa niya talaga ang kanyang mga deklarasyon.

ER resorted to rhyming as he was repeatedly shouting “PNoy Abnoy!” ‘Di pa nakuntento with this pejorative statement (na ewan kung meron siyang pinanghahawakang clinical basis), sinundan pa ‘yon ng bakit hindi pa raw ito mamatay. May reference uli sa pagbaril sa ulo which PNoy only deserved.

For once, ihihiwalay namin ang mga DDS sa paksang ito. As mere audience whose presence at the rally was a given, nagre-react lang sila sa nagsasalita on stage even if—we bet—may ilan sa kanila were hardly amused sa mga sinasabi ni ER.

Upon reading today’s banner story ay napailing lang kami, kasabay ng pagpalatak ng paulit-ulit na “tsk, tsk, tsk” as a manifestation kung paanong nadismaya kami kay ER na nakalimutan yatang magmumog bago pumunta sa rally kaya ganu’n na lang kabaho ang lumalabas sa bunganga (hindi bibig).

q q q
Bigla tuloy nanariwa sa amin ang mga karaniwang papel na ginagampanan niya noon sa pelikula. In one forgettable run-off-the-mill movie, tomahawk ang buhok niya palibaha’y kontrabida, ngumingising parang asong ulol. Abnoy, sa madaling salita.

Mukhang nanalamin lang si ER habang nasa gitna ng entablado sa rally sabay binalikang muli ang kanyang psychopath role, resorting to a defense mechanism type called “transference” kung saan ipinapasa niya sa ibang tao ang kanyang pagkatao.

Ang alam nami’y nagtapos ng pag-aaral si ER. Pero malaki nga pala ang kaibahan ng “schooled” at “learned.” Definitely, ER doesn’t fall under the latter.

Bakit ‘ika niya’y hindi pa raw mamatay si PNoy? Sa totoo lang, we’re scared, very, very scared for ER. Ang alam namin sa taong may Diyos is someone who doesn’t wish harm—much less death—on anyone.

Nahihintakutan kami para sa ex-public official na ito na ang pinanggagalingan naman ng kanyang poot (sana man lang kung indignation) ay dahil hindi pa rin niya matanggap hanggang ngayon ang pagkakasipa sa kanya bilang gobernador ng Laguna sa ilalim ng PNoy administration.

‘Yun lang naman ang ipinagsisintir ng BITTER-anong pulitiko who instead of choosing to live a better life chooses to live a life full of BITTERNESS (and HATE).

Pero ang isang taong galit man sa kanyang kapwa—under normal circumstances (maliban na lang kung may sayad)—doesn’t behave nor speak the way ER did at the rally.

Matakot sana ang disgruntled ex-Governor na ito as fate might make a prank on him.

Lest he forget, marami pa rin ang mga tagasuporta ni PNoy, and the number is multiplied many times over dahil sa rami rin ng mga kakampi ni Kris Aquino and the rest of the family.

Huwag sanang isang pagala-galang abnoy ang humarang sa daraanan ni ER, hindi armado ng baril kundi bote ng breath freshner.

Mabaho kasi sa dilang mabaho ang bunganga niya. Again, hindi bibig.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending