Sereno ‘pinakukuluan’ pa ng Kamara

By Leifbilly Begas December 06,2017
share this

Sereno ‘pinakukuluan’ pa ng Kamara

By Leifbilly Begas December 06,2017
share this

MUKHANG hindi na kakayanin ng Kamara de Representantes na matapos ang impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno bago ang 2017.

Ang House committee on justice ay nasa bahagi pa lamang ng pagtukoy kung mayroong probable cause ang reklamo na inihain ni Atty. Larry Gadon.

Nagpapatawag sila ng mga testigo at nangangalap ng ebidensya.

Sa isang punto ng pagdinig ay napulaan pa si Gadon dahil “puro tsismis umano ang alegasyon nito dahil wala siyang personal knowledge.

Hirit naman ng isang kongresista, hindi ang komite ang dapat na naghahanap ng ebidensya laban kay Sereno. Ang trabaho ng komite ay tingnan ang mga ebidensya na ipipresinta ni Gadon at hindi maghanap ng ebidensya para madiin si Sereno.

Sabi nga nila parang piskal ang Kamara de Representantes, tinitingnan kung sapat ang alegasyon at ang ebidensya.

 

***

Talaga naman na sa demokrasya, ang nasusunod ay ang nakararami.

Kaya kumbinsido na ang marami na mai-impeach si Sereno kung ang Kamara ang tatanungin.

Numero ang kailangan para ma-impeach si Sereno at makukuha ng majority bloc ang kailangang 98 boto at tiyak ako na higit pa sa kinakailangan ang magiging resulta ng botohan.

(Maliban na lamang kung mayroong kakaibang mangyayari).

Pero hindi pa nila ito hinahatulan sa botohan. Kumbaga pinapasarap pa nila, inilalabas na nila ngayon pa lang ang mga ebidensya na gagamitin nilasa Senado na magsasagawa ng impeachment trial.

Kumbaga ngayon ay ginigisa na nila si Sereno o kaya ay pinapakuluan.
Kung ang hinihintay nila ay gagaya si Sereno kay Comelec chairman Andy Bautista na nagbitiw, mukhang hindi ito mangyayari.

 

***

Sabi ni Gadon mayroong nanunuhol sa mga senador ngayon pa lang. Ang inaalok P200 milyon sa bawat senador para bumoto laban sa impeachment.

Palagay ng marami, taktika lamang ito ni Gadon para ang mga hindi boboto pabor ay pagdududahan na nasuhulan.

Ang tingin naman ng iba, baka mag-backfire ang taktika na ito ni Gadon.

Sa halip na bumoto pabor ay lalo pang tumutol ang mga senador na alisin si Sereno.

Ang kailangan sa botohan sa Senado para matanggal si Sereno ay 16 na boto. Ang kailangan ni Sereno para siya ay ma-acquit ay siyam lamang.

Sigurado na hindi na boboto pabor ang minority bloc sa Senado—sina Sen. Franklin Drilon, Sen. Kiko Pangilinan, Sen. Bam Aquino, Sen. Antonio Trillanes, Sen. Risa Hontiveros idagdag pa si Sen. Leila de Lima na wala dahil nakakulong pero maituturing na nakakatulong dahil hindi kakampi sa mga pro-impeachment.

Ang babantayan dito ay ang mga senador na tatakbo sa 2019 midterm elections dahil tiyak na ayaw nilang maging kalaban ang Malacanang.

Pero ang mga senador na sa 2022 pa muling tatakbo ay dapat ding bantayan dahil bakit pa sila matatakot, pababa na si Pangulong Duterte sa panahong ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending