Mga pensyonado ng SSS matatanggap na ang 13th month

By Liza Soriano December 06,2017
share this

Mga pensyonado ng SSS matatanggap na ang 13th month

By Liza Soriano December 06,2017
share this

MATATANGGAP na ng mahigit sa 2.2 milyong pensiyonado ng Social Security System (SSS) ang kanilang 13th month at pensiyon para sa buwan ng Disyembre simula Disyembre 1 hanggang Disyembre 8.

Ipinasok na sa mga bangko ang pondo para sa 13th month at December pensiyon noon pang Nobyembre 15 upang bigyan sila ng sapat na panahon na ipasok sa bank account ng mga pensiyonado ang kanilang dalawang-buwang pensiyon.

Ilan sa mga bangko ay nakapagbigay nang 13th month at December pension simula noong Nob. 15.

Pinakiusapan na ng SSS ang mga bangko na ibigay ang 13th month pension sa mga pensyonado nang hindi lalagpas sa Disyembre 8 subalit iniwan ang pagpapasya sa mga partner-banks kung kailan nila ilalabas ang regular na pensiyon nilang ngayong Disyembre na maaaring kasabay ito ng 13th month pension o ‘di kaya’y batay sa karaniwang iskedyul nang paglalabas ng regular monthly pension,

Ipinaalala rin ng SSS sa mga pensiyonado na ang basehan ng 13th month pension ay ang basic monthly pension, maliban sa dependent’s pension, kung mayroon man.

Mr. Emmanuel F. Dooc
SSS President at Chief Executive Office
SSS MEDIA
AFFAIRS
DEPARTMENT
(02) 9206401 local 5050, 5052-55, 5058
7th floor SSS Building, East Avenue,
Diliman,
Quezon City

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending