Whistleblower sawa na sa kahihintay sa appointment ni Du30

By Den Macaranas December 06,2017
share this

Whistleblower sawa na sa kahihintay sa appointment ni Du30

By Den Macaranas December 06,2017
share this

NAGSAWA na rin sa kabubuntot sa mga lakad ni Pangulong Duterte ang isang pwede na rin nating tawaging personalidad dahil may sarili siyang character.

Sinabi ng ating Cricket sa Malacanang na nakahalata na rin si Madam na tila walang paroroonan ang kanyang pagdikit sa Pangulo.

Kung bibigyan nga naman siya ng pwesto sa gobyerno ay sana noon pa man dahil since day one ay visible na ito sa mga lugar na pinupuntahan ni Duterte.

Una siyang gumawa ng eksena sa paliparan nang siya’y hanapan ng ID sa kanyang biyahe para ma-validate ang tiket niya sa eroplano.

Imbes na tumalima ay pinagmalakihan pa niya ang ilang tauhan ng sinakyan niyang eroplano dahil bakit hindi siya kilala ng mga ito samantalang magiging miyembro na siya ng Gabinete sa mga darating na araw.

Ayun, dahil sa kanyang kayabangan hanggang ngayon ay wala man lamang siyang papel kahit na consultant man lamang sa mga ahensya ng pamahalaan.

Minsan na rin niyang pinalutang na siya ang napili ng pangulo na pamunuan ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) pero hanggang ngayon ay hindi man lamang napapasama ang pangalan niya kahit sa listahan ng mga pinagpipilian para sa board.

Sinabi ng ating Cricket na nagpagawa na rin siya ng kanyang mga sariling office uniform pero hindi rin niya ito nagamit dahil wala nga namang ibinigay na pwesto sa kanya sa gobyerno.

Kung sinu-sino na rin ang kanyang kinausap para ibulong ang kanyang pangalan sa Pangulo pero nananatiling dedma dito ang “hari” sa Palasyo.

Marahil ay tinamaan na rin ng hiya sa kanyang sarili si Madam kaya nagpasya ito na huwag na munang magpakita sa Pangulo dahil baka kahit paano ay ma-miss siya nito, ayon pa sa ating Cricket.

Unang nalantad sa publiko ang pangalam ni Madam nang umamin ito sa pagdinig ng Senado laban sa jueteng maraming taon na ang nakalilipas.

Sa nasabing pagdinig ay inamin niya na kabit siya ng isang dating PNP official na sabit sa jueteng at ito ay kanya na ngang kinarir hanggang sa siya ay tumayong whistleblower sa isyu.

Ang bida sa ating kwento ngayong umaga na naumay na sa kakaasang mabibigyan pa siya ng pwesto sa Duterte administration ay si Miss S…as in Sandamakmak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending