P301B utang ng titser

By Leifbilly Begas December 05,2017
share this

P301B utang ng titser

By Leifbilly Begas December 05,2017
share this
Umaabot sa P301 bilyon ang utang ng mga guro sa pampublikong paaralan.
    Ayon kay Kabayan Rep. Ron Salo ito ay kasing halaga ng 55 porsyento ng P549 bilyong budget ng Department of Education para sa susunod na taon.
    Batay sa datos ni Salo, P178 bilyon ang utang ng mga guro sa mga pribadong lending companies at P123 bilyon naman sa Government Service Insurance System.
    Upang mabawasan ang bigat ng binabayaran ng mga public school teacher nanawagan si Salo na alisin na ang penalty ng mga utang.
    “Certainly, the waived penalties may be miniscule in amounts, but this will certainly hasten the payment by our public-school teachers of their loans, and will go a long way in alleviating the financial burden that they are currently facing,” ani Salo.
    Mayroon ding 23,000 retirado na walang nakuhang pensyon dahil binawas ang kanilang pagkakautang.
    Lumalaki ang interes ng utang ng mga guro dahil hindi kaagad naikakaltas ng GSIS sa sahod ng mga guro ang inutang nito bunsod ng ipinatutupad na P4,000 limit sa take home pay alinsunod sa 2017 General Appropriations Act.
    Isa si Salo sa umangal sa DepEd ng magpalabas ito ng Memorandum na nag-aalis sa limitasyon sa takehome pay kaya mas mababa sa P4,000 ang naiuuwing pera ng ilang guro.
    “Our teachers are saddled by extensive deductions for contributions and obligations as they are forced to fall victim and borrow money from lenders that entrap them in a vicious cycle of indebtedness,” dagdag ng solon.
    Nanawagan din si Salo sa GSIS na alisin na ang interes sa utang ng mga retirado at mga guro na namatay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending