Heart naghahanda na rin sa pagpasok sa politika; balak bumalik sa pag-aaral | Bandera

Heart naghahanda na rin sa pagpasok sa politika; balak bumalik sa pag-aaral

Ambet Nabus |December 06,2017
facebook
share this

Heart naghahanda na rin sa pagpasok sa politika; balak bumalik sa pag-aaral

Ambet Nabus - December 06, 2017 - 12:15 AM

AND speaking of Jericho Rosales, nakakatuwang makita ang mga litrato ng aktor at ng kanyang ex-girlfriend na si Heart Evangelista na muling magkasama at nag-uusap.

Sa isang photo ay makikitang nakikipagtawanan pa si Heart sa misis ni Echo na si Kim Jones at kahit pictures lang ‘yun ay masasabi mong napakadisente ng usapan at pagkikita nila.

Of late ay tila napapadalas ang pagtatagpo ni Heart sa mga ex niya dahil last time naman ay aliw na aliw ito kay Daniel Matsunaga at sa bagong dyowa nito.

For sure ay literal na inaaplay ni Heart ang pagkakaroon ng matalinong pag-iisip at damdamin at big plus factor talaga ang pagiging wife ng isang senador dahil tiyak, naituro o naibahagi ni Sen. Chiz Escudero sa asawa ang pagkakaroon ng diplomasya at pagiging objective sa lahat ng nakakasalamuha niyang tao.

Ang huli naming nabalitaan ay puspusan na ang pag-aaral ni Heart sa mga bagay-bagay na may konek sa pulitika. Ayon sa isang source, may plano nga raw ang Kapuso actress na tapusin na ang kanyang formal education and even plans to take further studies like having her masteral course.

Ibig bang sabihin nito, talagang nagre-ready na ngayon pa lang ang misis ni Chiz sakaling pasukin na rin nito ang mundo ng politika? Well, kung kami ang tatanungin, walang problema dahil matalino naman si Heart.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending