Wedding gift ni Gerald kay Ai Ai kapresyo ng vintage car: Pinag-ipunan ko po yun! | Bandera

Wedding gift ni Gerald kay Ai Ai kapresyo ng vintage car: Pinag-ipunan ko po yun!

Julie Bonifacio |December 05,2017
facebook
share this

Wedding gift ni Gerald kay Ai Ai kapresyo ng vintage car: Pinag-ipunan ko po yun!

Julie Bonifacio - December 05, 2017 - 12:10 AM

AI AI DELAS ALAS AT GERALD SIBAYAN

SA lahat ng celebrities na nagpakasal this year, namumukod-tangi ang bride-to-be at Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas.

Imbes kasi na i-treat siya for the traditional bridal shower, siya ang nagbigay ng bonggang “shower of blessings” sa ilang members ng entertainment press.

Nagpa-thanksgiving lunch cum “patikim” sa magaganap na kasal nila ng kanyang long-time boyfriend na si Gerald Sibayan si Ai Ai.

She knows how to give importance sa mga manunulat in one way or the other ay naging bahagi ng kanyang ups and downs sa kanyang career at lovelife.

Say ni Ai Ai during her speech, it was her way of giving back. Sila raw talaga ‘yung mga nakatulong sa kanya from her struggling years sa showbiz hanggang sa maging box-office queen at bansagang Comedy Queen.

“Ang saya ng pakiramdam na nakasama ko ang aking mga kaibigan sa isang masayang okasyon sa aking buhay. The party was really for them. It was my way of expressing my gratitude. Gusto ko rin i-share ang blessings ko with my media friends.

“Nandiyan sila sa simula pa lang ng aking career, noong single pa lang ako, at kasama ko pa rin sila hanggang ngayon sa panibagong yugto ng aking buhay. I believe in love and I believe na may forever sa pag-ibig,” pahayag ni Ai Ai.

Magaganap ang wedding nina Ai Ai at Gerald on Dec.12. After ng wedding nila dito sa Pinas, pupunta sila sa Amerika to hold another reception para sa mga kamag-anak nila na nandoon.

Dalawa kasi sa mga anak ni Ai Ai ang US-based na, sina Sophia at Niccolo. Pero nandito na raw sa Pinas si Sophia at si Niccolo na lang ang nasa Amerika.

Agad namang nilinaw ni Ai Ai na hindi niya papalitan ang kanyang screen name ng Martina delas Alas-Sibayan after her wedding. Gerald and Martina kasi ang nakalagay sa stage, AVP ng kanilang prenup at giveaways sa thanksgiving.

Proud namang ipinakita ni Ai Ai sa amin ang suot-suot niyang tri-color gold diamond-studded bracelet. ‘Yun daw ang wedding gift sa kanya ni Gerald na ayaw pasabi ng groom niya sa press.

Knows daw ni Gerald na gustung-gusto niya ang naturang bracelet through the alahera na binibilhan nila.
Pambubuking pa ni Ai Ai, worth seven figures ang halaga ng wedding gift sa kanya ni Gerald. Kapresyo na raw ‘yun ng isang vintage car collection ni Gerald. “At cash, huh!” sabi pa ng komedyana.

q q q

When we had our chance na makausap si Gerald, tinanong namin siya kung paano niya nabili ng cash ang wedding gift niya for his future wife. “Matagal kong pinag-ipunan ‘yun sa mga raket-raket ko,” tugon niya.

Sa Europe raw ang honeymoon nila pero baka next year na ito mangyari. May gagawin pa kasing bagong show si Ai Ai sa GMA.

After the wedding, hoping ang komedyana na magkakaroon pa rin sila ng anak ni Gerald. Gustung-gusto raw ni Gerald na magka-baby sila. At sa palagay ni Ai Ai, keri pa rin niya na magbuntis ulit after so many years.

Sa 2018, kumpirmado na ang gagawin niyang soap opera sa Kapuso network plus bonggang movie offers.
Labas na rin ang bago niyang single titled “Walang Pinipili” featuring the rap group Ex-Battalion under GMA Records.

Blessed na blessed si Ai Ai this year. Feeling nga raw niya siya si Job (a servant of God and Bible character na nasulat ang buhay sa Old Testament ng Holy Scriptures) na nawala ang lahat ng yaman at taong mahal niya sa buhay pero ibinalik din lahat ng Diyos.

Nakagawa siya ng dalawang indie films this year kung saan nanalo siya ng acting award sa international filmfest, may bagong show with Vic Sotto, meron pang Sunday variety show and lastly, win din sa PMPC 2017 Star Awards for TV bilang Best Comedy Actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Well, ano pa nga ba ang masasabi namin kundi congrats and best wishes kina Ai Ai and Gerald!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending