AlDub fans galit na galit kay Ruby Rodriguez | Bandera

AlDub fans galit na galit kay Ruby Rodriguez

Ervin Santiago |December 05,2017
facebook
share this

AlDub fans galit na galit kay Ruby Rodriguez

Ervin Santiago - December 05, 2017 - 12:25 AM

NA-SHOCK naman ang host ng Eat Bulaga na si Ruby Rodriguez sa ginawang pamba-bash sa kanya ng ilang fans ni Maine Mendoza sa social media.

Matindi ang naging reaksyon ng mga ito sa isang message na ipinost niya sa Twitter kamakailan na may konek sa loyalty.

Sa kanyang Twitter account, ipinost ni Ruby ang litrato ng bago niyang cellphone bilang loyalty reward mula sa kanyang telecom subscription.

Nilagyan niya ito ng caption na: “Loyalty is not a sign of weakness but of true character. It shall not go unrewarded. Christmas is here.”

Na-offend dito ang ilang supporters ni Maine dahil feeling nila para sa Dubsmash Queen ang nasabing post. Kung anu-anong masasakit na salita ang ibinato ng ilang fans laban sa Eat Bulaga host. May nagsabi pa na sana raw ay huwag idinaan ni Ruby sa social media ang isyu ng managament kay Maine.

May ibang AlDub fans naman ang nagpaliwanag na hindi talaga para kay Maine ang tweet ni Ruby. Na-misinterpret lang daw ito dahil hindi lumabas sa kanilang accounts ang kabuuan ng mensahe.

Matapos makarating kay Ruby ang balitang galit na galit sa kanya ang AlDub fans, agad siyang sumagot at nilinaw ang issue.

Tweet ni Ruby, “Omg!! Ok lang kayo? Globe Loyalty program ang post but kailangan lagyan ng meaning!!???!!” Aniya, huwag naman daw lagyan ng malisya ang kanyang mga ipinopost sa social media.

Dagdag pa ng TV host-comedienne, “Dont put any other meaning sa post po. Thats a loyalty program ng Globe.”

Wala si Maine sa Eat Bulaga nitong mga nakaraang araw, ang balita, nasa Amerika raw ang dalaga kasama ang kanyang pamilya at nagbabakasyon doon.

Wala pang official statement ang management ng noontime show kung totoo ang mga chika na magre-resign na raw si Maine sa Eat Bulaga matapos ang inilabas niyang open letter sa kanyang blog last week.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kamakailan ay nag-rally naman ang napakaraming AlDub fans sa Broadway Centrum kung saan ginaganap ang live episode ng Eat Bulaga.

Nais nilang ipakita kina Alden Richards at Maine Mendoza na patuloy pa rin ang kanilang suporta sa tambalang AlDub kahit na ano pa ang mangyari.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending